Chapter 25

5.1K 168 25
                                    

Deanna











I ran to the counter immediately to get a glass of water.

Binigay ko agad kay Dad.

Uminom siya agad.

Si Jema parang iiyak na sa takot. Kinuha ko ang kutsara at tinikman ang sopas.





Ang sarap! Bakit na-choke si Dad eh ang sarap nga ng luto ng Love ko?
Di ko namalayan na naubos ko na agad yung nasa mangkok ko. Yung kay Peter ay sinasalinan na ni Mommy ulit.

I noticed that Jema hasn't even touched hers yet.

Pasulyap-sulyap siya kay Daddy.

We are all waiting for Dad to say something. But he just kept quiet.

Kinuha ko yung laddle at magsasalin sana ulit pero wala ng laman. Naubos na pala ni Peter.

Kinuha ko yung bowl at pumunta ulit sa kusina para magrefill.






"Deanna, hindi ba masarap?"

Sumunod pala sa akin si Jema.







"Hindi ba halata Love? Kaya naming ubusin ni Peter to."

Sabi ko habang nagsasalin sa serving bowl. Wala pang kalahati ang nababawas namin sa kaldero. Pero saglit lang to sa'min.






"Eh bakit ganun yung reaksyon ni Tito? Naubo siya diba? Maanghang ba? Nasobrahan ba sa paminta? Hindi ko ba nadurog ng maayos ang atay?"

Kulit naman ni Chef Love ko!








"I don't know why Dad choked. As far as I know, this is very delicious. Kung gusto mo talaga malaman ang dahilan, tatanungin ko siya."

Sabi ko. Di mapakali eh.







"Wag na! Wag mo na tanungin! Baka mamaya masakit pala yung sasabihin niya eh!"

Anu ba talaga Jema?








Biglang may naghabulan palapit sa'min. Si Ate  Nicole at Joseph.

Kinuha nila yung bowl na hawak ko. Tapos bumalik rin agad sa dining area.

Tiningnan ni Jema yung mga condiments. Binasa yung label nang fish sauce tapos pumunta sa trash bin.






"What are you doing?"

Hinanap niya sa basurahan yung lata ng gatas. Binasa din yun.








"Baka kasi may expired akong naihalo eh."

Anudaw?










"Kung may expired kang naihalo, kami ni Peter ang unang maoospital. Hindi si Dad. Walang expired dito kasi chini-check yan ni Manang Ising."

Isa yun sa rules ni Mommy eh. Pag may something dito na hindi nagamit, months before pa lang pinapauwi na ni Mommy sa mga kasambahay namin.








"Stop worrying na okay. Pag may unusual akong naramdaman sa tummy ko, I will tell you."

Bigla na namang tumakbo papalapit si Joseph. This time, yung kaldero na kinuha niya.









"You can ask them too."

I told Jema.









"Balik na tayo dun baka maubusan na nila ko."

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon