Chapter 42

4.9K 169 29
                                    

Jema





"Anak, tandaan mo yung mga bilin ko sayo ha, wag na wag kang lalabas ng bahay nila Deanna nang walang kasama. May mga bodyguard naman kayo, magpasama ka kung kailangan mo talagang umalis. Ayoko nang may mangyari pa sayo na di maganda."

Sabi ni Mama. Babalik na kasi sila sa Laguna. Isang linggo rin silang nagstay dito. Kakalabas ko lang ng ospital pero naka-wheelchair pa ko.

"Opo Ma, ilang ulit niyo na po yang sinasabi..."

Sabi ko. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto. Yun ang sinasabi niya lalo na ngayon na paalis na sila.

Nandito kami ngayon sa Mactan-Cebu Airport. Ayaw na nila magpahatid sa akin pero hindi ako pumayag. Gusto ko pa sana sila makasama kaso may mga obligasyon din sila sa Laguna.

Niyakap ako nila Mama at Papa bago sila pumasok sa departure area.

"Uwi na po tayo Maam."

Tinulak na ni Deti yung wheelchair ko.

Yung isang bodyguard yung nagsabi na umuwi na kami. Napakarami naming naghatid kay Mama. Sampu lang naman kami. Si Deti na umaalalay sa akin, yung driver at walong bodyguard. Dalawang sasakyan ang gamit namin. Isang SUV at isang urvan.

May kasama kaming isang bodyguard dito sa sasakyan. Yung iba ay nasa van. Naiilang ako sa totoo lang.

Nakakainis si Deanna!

Pinayagan nga akong maihatid sina Mama pero ang dami kong kasamang minion!

Minion ang tawag ko sa kanila dahil dilaw ang uniform nila.

Ang dami nila na nakapaligid ngayon sa villa.

May itinatayo na ngang headquarters para sa kanila eh.

Nahihiya na nga ako sa pamilya ni Deanna eh. Ang dami nilang pinapasweldo para masiguro ang kaligtasan namin.

Buong pamilya nila Deanna ay may mga kasama nang guard.

Dati kasi driver lang ang kasa-kasama nila. Ngayon ay may tigdadalawang minion na rin.

Si Deanna ay nasa canning ngayon. Dun na muna siya nagtatrabaho. Umaalis siya ng umaga at umuuwi din bago mag-alas sais.

Sabi niya ay ilang buwan lang daw siyang mamamahala doon.

Nung nakaraan kasi, habang kumakain kami ay naguusap sila kung pupuwersahin na nila si Ate Cyrielle na pauwiin para may mamahala na ulit sa canning.

Pero ayaw talaga niyang bumalik. Binigyan lang siya ni Tito ng palugit na isang linggo kaya anytime ay baka dumating na siya.

Pinaguusapan nila kung ano ang mabuting gawin nang biglang sumingit si Joseph.

Gusto niyang siya na lang ang humalili kay Ate Cyrielle niya. Ilang buwan na lang ay magtatapos na siya ng pagaaral. Pagkagraduate niya daw ay gusto niyang siya ang iassign ni Tito doon.

Masaya si Deanna na nagpakita ng interes si Joseph sa canning. Hindi niya kasi alam kung ano ang uunahin sa dalawa. Mahirap magpatakbo ng dalawang kumpanya. Hindi niya mabibigay yung best niya. Pwede raw na may mapabayaan siya o ang mas malala ay parehas pa na hindi ma-manage ng maayos.

Bata pa lang kasi siya ay hinubog na siya para sa Iza Mall. Yung kumpanya daw na yun ay tinayo para sa kanya ng Daddy niya.

Sabi ni Tito ay nung bata raw si Ate Cyrielle ay nakahiligan daw niya na pumasyal sa mall. Lagi daw hinihiling nito na mamasyal silang pamilya doon. Kaya daw nangarap siya na magkaroon nito.

Love TeamWhere stories live. Discover now