1st Gripped

130K 2.7K 1.2K
                                    

Legal Age

"Mag Bar kaya tayo tuwing gabi? Total legal age na ako. Pwede na akong gumala gala..." sabi ko kay Zera, nang maalala kong magkatabi pala kami.

"Akala mo naman papayag si Tito. At boring doon," sagot niya at halos tamarin pa sa pakikipag-usap sa akin.

Papayag si Daddy 'no! Sabi nila pwede na ako magpagabi pag nasa legal age na ako! And I want to experience some night life, too! Naiinggit ako kay Zera kasi ang lakas ng loob niyang tumakas kahit hindi siya pinapayagan. Hindi ba siya takot mapagalitan ni Tito? Eh ako... takot akong mapagalitan ako ni Daddy.

Pero ang tamlay talaga ni Zera. Humalukipkip ako sa sofa at nag-isip nalang ng pwedeng pagkaabalahan.

"Eh iyong Cebu? Tuloy ba iyon? Kuya Hiro agreed..."

Nagkibit lang siya. Ngumuso ako at nahulog ang tingin sa pagkain sa center table. Hmm... How about tomorrow?

"Tomorrow? Magmall kaya tayo," suhestyon ko.

"May lakad kami ni Irah."

Oh... So... So hindi ako kasama?

"Kayo lang?"

Tumango siya at kinagatan ang pizza.

"Isama niyo nalang ako. Wala akong gagawin..." Sumimangot ako sa kanyang tabi.

"And what's the purpose of your friends?" sarkastiko ang boses na iyon, tila may ideya agad siya.

Bumuntong ako ng hininga. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kinagatan iyon ng tahimik.

"I don't really get why you're keeping them as your friends," she rolled her eyes.

Well, the fun? I mean sometimes they're toxic but they're fun? And I can't relate to her and Irah!

Bumaba naman si Kuya Hiro, bagong paligo lalo na't kinukusot niya ang kanyang basang buhok, suot ang sleeveless shirt at shorts saka siya nagtungo rito.

"Hi Kuya..." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango siya at tinabihan ako sabay kuha ng pizza.

"May lakad kayong dalawa?" tanong niya.

Umiling ako at ngumuso, tinitingnan ang malaking kagat ng kanyang pizza nang isubo niya ito.

"Meron," si Zera ang sumagot na ikinagulat ko.

"May lakad tayo?!" excited kong tanong.

"No. I'm with someone..." ani Zera at hinaplos ang kanyang buhok.

Napawi ang excitement sa aking boses. Si Kuya Hiro naman ay bumagal ang pagnguya at tumitig ng makahulugan sa kanyang kapatid.

Hindi ako masyadong nagtagal sa bahay nila Zera at umuwi rin naman ako. Nakatanggap agad ako ng mensahe galing kay Kiera.

Kiera:

Tomorrow is Saturday. Manonood kami ng drag race. You want to come with us?

Drag race? May sumunod ulit na panibagong text kaya naging maliit ang aking mga hakbang hanggang sa huminto ako sa side ng subdivision na nilalakaran ko pauwi sa bahay para basahin iyon.

Kiera:

And I want you to seduce someone... Napaka badboy kasi noon.

Kinagat ko ang aking labi. Nagtipa ako.

Ako:

I'm in.

Napakapalaban mo naman, Elle! Saan ka humuhugot ng tapang mo? Baka pwede kana ring magsundalo niyan ah! Pwede kanang pumasok sa militar at ipaglaban ang West Philippine Sea sa sobrang katapangan mo!

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon