15th Gripped

100K 3.2K 1.4K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Wenzie Marie Rapista. Happy reading!
---------

Gusto Kita

Hindi palang natatapos ang movie ay dinadagsa na ang cellphone ko ng sunod sunod na tawag nila Kuya. Hindi na ako makapagconcentrate sa panonood dahil kahit si Haze ay panay buntong hininga lang naman, tila may malaking problema.

Nagtipa ako ng text kay Kuya Red.

Ako:

Papunta na ako riyan, Kuya. I'm sorry it took me long.

Pagkasend ko noon ay nilingon ko agad si Haze, nakahilig doon sa kabilang balikat ng upuan, malayo sa akin at nakabusangot.

"Uh..."

Tumingin agad siya sa akin. Umayos siya ng upo at naghihintay ang mukhang iyon ng sasabihin ko.

"Hinahanap na ako ng mga Kuya ko. Hindi ko nalang siguro tatapusin ang ano..."

He licked his lips and nodded. Tumayo siya at ibinigay sa akin ang popcorn. Tinanggap ko iyon at tumayo narin.

"Sayang naman 'yong movie..." Bumuntong ako ng hininga, nanghihinayang habang tinatahak na namin ang daan palabas.

"We can watch it again if you like," aniya, nasa aking gilid, hindi gaanong malapit at may distansya pa.

"Kailan naman?"

Iniisip ko palang ang mga araw na hindi ako pwede ay nalulungkot na ako. Parang hindi na iyan magtatagal eh.

"Ikaw..." Ibinulsa niya ang mga kamay, nasa harap ang tingin.

Tuluyan kaming nakalabas. Tumigil ako roon kaya tumigil din siya. Mapupungay parin ang mga mata niya sa akin, tila inaantok ngunit hindi naman.

"Pasensya na. Sina Kuya kasi..." Sumimangot ako.

Tumango siya, seryoso lamang.

"Marami pang araw. We'll just watch again."

Tumango rin ako at ngumiti. "Kahit ibang movie nalang basta makapanood tayo."

"Alright..."

Nilingon ko ang dinaanan ko kanina. Malapit lang naman iyon at alam ko kung nasaang Restaurant sina Kuya. Nilingon kong muli si Haze.

"So... Mauna na ako. Malapit lang sila Kuya eh."

Tumitig siya sa akin. Malalim na naman iyon, seryoso parin.

"We'll skype later. I'll call you," he said deeply.

Tumango ako at ngumiti. "Akin nalang 'to?" Sabay pakita ng hawak kong popcorn.

Tumango siya at hinaplos ang gilid ng buhok.

"Bye, Anzai... Salamat sa sine..." Humagikhik ako habang humahakbang palayo sa kanya, kinakawayan na lamang siya.

Isinandal niya ang isa niyang braso sa pader at tiningnan ako ng malalim habang lumalayo na ako sa kanya. I smiled again before turning my back.

Bumuntong ako ng hininga at mas nilakihan na ang aking mga lakad. Huling lingon ko sa kanya ay naroon parin siya sa pinag-iwanan ko, nakatingin parin at walang balak umalis para panoorin ako.

I hope I can spend more time with him. Parang pagkatapos kasi ng bakasyong ito ay busy na ulit sa nalalapit na pasukan. Maghihintay na naman ako ng Summer bago kami magkitang muli. Parang nakakalungkot...

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon