35th Gripped

86.6K 2.4K 1.6K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Ma. Viem Imeree Llorente. Happy reading!
----------

Good  At Breaking Things

Si Tobias ang palaging tumutulong sa akin sa paggawa ng mga makulay na visual aids sa pagtuturo ko sa Center. His good at drawing! Iyon rin ang kinabibiliban ko sa kanya. He knows how to draw well compared to my human stick. Kahit nga ang pagguhit ng aso ay simpleng bilog lamang, na akala mo ay baboy at ang naiiba ay ang matutulis nitong tainga.

Tuwing gabi, iyon ang aking pinagkakaabalahan. Namimili kami ng mga coloring materials, mga flash cards, prizes, drawing books at kung anu-ano pa. It's satisfying. Lalo na pag nakikita ko ang reaksyon ng mga bata, ang gaan gaan sa pakiramdam na magturo.

"Isang linggo ka palang na nagtuturo pero ganadong ganado na silang lahat sa'yo," ani Mother Jovy nang mapadaan sa aming maliit na classroom.

Si Tobias ang nasa loob lalo na't lumabas ako saglit para makipag-usap kay Mother. Siya ang umaalalay sa ibang mga bata habang nagcocolor ang mga ito.

"Nakakatuwa rin naman po silang turuan," sabi ko at tiningnan si Tobias na nakayuko sa gilid ni Rita. Nagmukhang maliit ang bata dahil sa kanya. He's just so manly.

"Mahilig kayong dalawa ni Tobias sa mga bata eh ba't hindi nalang gumawa?" suhestyon ni Mother na ikinagulat ko.

Mabilis ko siyang nilingon, namumula at mabilis na umiling.

"Hindi po kami ni Tobias Mother..." I was so flustered about it. Humagikhik siya, pasulyap sulyap sa bintana para tingnan si Tobias at ibabalik rin naman agad sa akin.

"Eh kay gwapong lalake ni Tobias. Ang ganda ganda mo rin. Imposibleng walang nabubuong pagtitinginan sa tinagal tagal niyong pagsasama?" Ngumisi siya sa akin ng makahulugan, handa na akong asarin.

Umiling ako. "Kaibigan lang talaga Mother."

"Asus!" Pasimple niyang kinurot ang aking tagiliran. "Ako na na babae ay gandang ganda sa'yo. Ano pa kaya si Tobias? Napaka anghel ng mukha mo Brielle. Walang lalake ang hindi maaakit pag tinitigan ka."

Nahihiya akong tumawa. I am not sure if Tobias is attracted with me. I mean... Base on his stares, minsan ay ramdam ko naman na may something pero hindi ko talaga masyadong pinapalaki at kinukulayan ang aking imahinasyon. I don't want to fail myself from expecting too much. Hinahayaan ko ang usad ng panahon kung saan dadalhin ang lahat ng iyon.

"Hindi niya ako tipo, Mother," sabi ko at sumulyap ulit sa bintana.

Ngayon ay nasa dako na ni Aira si Tobias, siya naman ang kanyang inaalalayan. The little girl whined something about her missing colors at mabilis iyong natugunan ni Tobias kaya tumahan agad ito, hindi na masyadong nag-inarte pa.

"Eh ikaw... Tipo mo ba?" tanong niya, naroon narin ang mga mata.

Tumayo si Tobias at nameywang. Nag-angat siya ng tingin at napagtantong nakatingin ako. He raised his brow at me. He's wearing a simple white tshirt with denim jacket pero ang lakas parin ng kanyang dating. Siguro dahil narin sa katangkaran, sa hubog ng katawan at sa kanyang kagwapuhan. Plus his snob aura pero hindi gaanong malala kumpara noong una ko siyang nakita. This time, he's more tamed.

"Tipo mo, Brielle?" Mother Jovy asked me in her playful voice.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik kay Mother na nakangisi na sa akin.

"There's a big chance I'm going to like him, Mother. Maalaga kasi siya kahit ang suplado minsan. He's such a strict Uncle sometimes." Humagikhik ako.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon