9th Gripped

93K 3.2K 1.2K
                                    

Hobby

Para nalang akong nakalutang sa ere noong bumalik ako sa loob, hawak hawak ang aking pisngi na ramdam ko ang pang-iinit.

"Brielle?"

For the first time, someone kissed me on the cheek. Ewan ko kung mandidiri ba ako o ano, but his lips feels so warm. Parang hindi naman siya nakakadiri total hindi naman sa labi.

"Are you okay, Brielle?"

Pero nakakapagtaka talaga... Base sa sinabi niya, hindi siya iyong tipong nanghahalik sa pisngi. Tapos hinalikan niya ako. Edi ibig sabihin, ako ang kauna-unahang babaeng hinalikan niya sa pisngi? Ibig sabihin din ba nito ay... ay naakit ko na siya?

Penny snapped her fingers in front of my face kaya napakurap ako, napagtantong nakaupo na pala ako rito sa kanilang tabi at nawala lang sa sarili.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala," natatawang sambit ni Penny.

Tiningnan ko silang tatlo.

"Haze kissed me on the cheek..." sabi ko.

"Ulit?!" si Lexy iyon.

"Nawiwili na ata siya sa kakahalik sa pisngi mo," ani Penny.

Naninimbang ang mga mata ni Kiera sa akin, hindi nagsasalita pero parang may malalim na iniisip.

"Pulang pula pa ang mga pisngi mo, Brielle. Baka hindi lang halik sa pisngi ang ginawa ah..." tukso ni Lexy at tinusok pa ang aking tagiliran.

Umiling agad ako. "He just kissed me on the cheek..."

Naghagikhikan ang dalawa, marahil ay nagkakaintindihan sila roon sa binibintang ni Lexy sa akin.

"Did he give his number to you?" tanong ni Kiera.

Kumalma ang aking ekspresyon doon, natigil naman sa kakahagikhik ang dalawa.

"Oh... Nakalimutan ko na namang hingiin," sabi ko at sumimangot.

Napasimangot rin ang dalawa habang si Kiera ay ngumisi.

"Hindi namimigay ng number si Haze, Brielle. Pwede mo namang aminin sa amin na hindi ka niya binigyan. We won't diss you..." Tumawa siya habang nagsasalin na muli ng inumin.

"Hindi talaga ako nanghingi. I forgot to ask for his number," paglilinaw ko kaso parang hindi na nakikinig itong si Kiera.

"Hindi easy to get si Haze, 'no. Pang one-night lang talaga iyang hilig niya." Sabay lagok noong shot, ang mga mata ay namumungay narin.

Tumango-tango naman agad sina Lexy at Penny, sang-ayon kay Kiera. Ngumuso na lamang ako at hindi na isinaboses ang aking pinupunto. Bakit ayaw nilang maniwala na nakalimutan ko lang kunin ang number niya? O mas madali talaga para sa kanila ang paniwalaang hindi namimigay basta basta si Haze ng personal number niya dahil iyon ang alam nila, ang nakasanayan nila sa kanya.

But Haze kissed my cheek! Feeling ko close na kami ng slight eh. Parang may kaonting koneksyon na kami. Iyong parang kuryente na nagmemeet...

Natuwa ako noong sinundo rin agad ako ni Kuya Red sa gabing iyon, binigyan na naman ako ng gum kahit ang sabi ko ay hindi ako uminom at nagspray rin siya ng perfume sa akin.

"Susunduin pa natin ang kuya mo," aniya, iniikot na ang manibela patungo sa 3DBar.

"He's drunk?" tanong ko.

"Siguro. Pero mas mabuting sunduin nalang nang makasigurado tayong makakauwi siya ng safe sa bahay," ani Kuya.

Tumango ako at tiningnan ang kumikinang na mga streetlights na nadadaanan namin. Naglalaro agad sa aking isipan ang mangyayari bukas sa shooting range. Will I see him there? They say he's an expert with guns. So he really knows how to shoot? Marunong siyang bumaril? Magpupulis ba siya?

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon