38th Gripped

91.3K 2.4K 979
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Youree Madeline. Happy reading!
-----------

Main Priority

Sa gabing iyon ay kasabayan namin si Anzai sa hapag. Palaging nauuna sina B1, B2 at B3 dahil kailangang magbantay sa labas. Si Tobias lang talaga ang hindi pwedeng umalis sa aking tabi, at ngayon... hindi lang ata si Tobias ang magsisimulang didikit dikit sa akin, pati narin ang lintang si Anzai.

"Aling Honey, kumain na po kayo?" tanong ko pagkatapos niyang hubarin ang apron.

"Oo Brielle. Busog na busog ako. Kumain na kayong tatlo riyan. Nakapagsnack din kasi kami ni Alias sa bayan kanina habang namamalengke," aniya.

Tumango ako. Nagpaalam din naman siya sa aming tatlo at iniwan kami sa loob ng kusina.

Tahimik akong sumubo. Si Anzai na nasa aming harapan ni Tobias ay ganoon din, tahimik na sumusulyap sa amin habang sumusubo.

Tumikhim si Tobias at lumingon sa akin kaya nilingon ko rin siya.

"Wala ka bang plano bukas? It's Sunday..." aniya.

Nag-isip muna ako. Si Anzai naman ay dinampot ang baso ng tubig at uminom.

"Hmm... Wala naman kasing magandang pasyalan dito. Hindi rin gaanong kalakihan ang Mall," sabi ko.

"Speaking of Mall. I need to buy some clothes," si Anzai iyon, sumasabat.

Napatingin kaming dalawa ni Tobias sa kanya.

"Wala ka nga palang damit. Pwede kang mamili roon," ani Tobias sa baritonong boses.

Hindi siya pinansin ni Anzai at deritso ang tingin sa akin.

"I don't know this place yet. Maybe you can tour me around?"

"We can tour you around," si Tobias, agad iyong sinagot.

Tumango ako. "Tobias can tour you around. Dito nalang ako," sabi ko kaya nagkatinginan ang dalawa.

Sumubo ako, hindi na tiningnan si Anzai na naninimbang ang mga mata sa bawat galaw ko.

"Kung ganoon, baka dito lang rin ako. Kay Alias ka nalang magpasama, Landon," ani Tobias.

Tss. Iyan ang ugali niya eh. Pupunta sa ibang lugar at hindi man lang magdadala ng damit. Deri-deritso nang aalis at ang tanging dala ay iyang sarili niya.

Tumahimik siyang muli habang kami naman ni Tobias ang maingay at nag-uusap ng kung anu-ano.

"Gumala kaya tayong dalawa bukas? Hindi ba at may malapit daw na Spring dito?" tanong ko kay Tobias.

"Alright. What time?" May kung ano siyang kinuha sa aking pisngi. Bago pa ako makasagot ay tumayo na si Anzai.

Buong akala ko ay magwawalk-out ito ngunit noong umikot siya at nagtungo sa aking gawi ay doon ko napagtantong ako ang kanyang sadya. Marahas niya akong hinila patayo, sa sobrang lakas ay natapon agad iyong basong may laman ng tubig at nasalo lamang ni Tobias para hindi mabasag.

Mabilis kong binawi ang aking kamay sa mahigpit na pagkakahawak ni Anzai. I glared at him. He glared at Tobias, wanting to hurt him so bad with his sharped eyes.

"Dude... What's your problem?" Tumayo si Landon, pinantayan narin siya at marahas akong hinila palapit sa kanya.

Sa sobrang lakas noon ay mabilis akong napunta sa kinatatayuan ni Tobias. His raging eyes is just too much, na nasagad narin siya ni Anzai.

Anzai step closer, ang mga ugat sa kamao ay naglalabasan na.

"Ano bang problema mo?" I spat angrily.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon