25th Gripped

96.7K 2.7K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn.

This chapter is dedicated to Krizzy Lorraine de Dios. Happy reading!
------------

Tamed

Kiera was so shock. Ang pagkakagulantang ay naipasa niya narin kina Lexy at Penny na ganoon din ang reaksyon. Kahit si Japeth ay mukhang naoffend sa aking sinabi. Noong napagtanto ko ang lahat ay nahahati ang emosyon ko kung hihingi ba agad ng tawad o huwag nalang.

"What did you say?" Natawa ng mapakla si Kiera nang matauhan.

Hindi ba ito naglilinis ng tainga?

Mas naging grabe na ang tugtog. Mas naging maingay ang loob. Bumuntong ako ng hininga at nagpasyang tumayo na. Sinundan nila ako ng tingin.

"Uuwi na ako," pagpapaalam ko nalang ng maayos.

Kiera's eyes sharped at me. Si Penny naman ay ngumiti at tumango, ganoon din si Lexy.

"Leaving so soon?" tanong ni Japeth habang tinitingala ako. "I am so insulted. Mukha ba akong mababa sa paningin mo?" There's a desperation in his voice. Ang kanyang ngisi ay matabang narin.

Kumalabog ang aking dibdib at natatakot na.

"I'm sorry. Kailangan ko na talagang umuwi," sabi ko at handa na sanang umalis nang hinawakan niya ang aking kamay.

Natigilan ako at nilingon siyang nakaupo parin. Mahigpit iyon, parang ayaw akong bitiwan.

"We're not yet having a good time... Ayaw mo bang dalhin kita sa langit?" Ngumisi siya.

Anong pinagsasabi niya? He's not allowed in heaven! Masusunog siya roon sa impyerno.

Nagulat sina Penny at Lexy. Ang kabilang table na mga kaibigan ni Haze ay nagsitayuan narin. Buong akala ko ay nasa amin ni Japeth ang kanilang atensyon pero nang mapagtanto kong nasa aming likuran at naamoy ko pa ang pamilyar na pabango ni Haze ay kumalabog na ng husto ang aking dibdib.

"Haze..." si Kiera iyon, namimilog ang mga mata sa aking likuran.

Bago pa ako makalingon ay marahas na akong nabitiwan ng lalake. Napaatras ako nang kinwelyuhan niya agad si Japeth at inangat palabas sa couch para dalhin sa kanyang harap. My eyes widened. Kahit sina Kiera, Lexy at Penny ay napatayo narin.

The raging anger in Haze eyes were very intense! Mas madilim pa sa suot niyang itim na leather jacket ang kanyang mukha. Ang yumayakap na galit sa seryosong mukha ay masyadong nakakanginig ng kalamnan.

"D-Dude! The fuck are you doing?" Nagpumiglas si Japeth sa kanyang mga kamay lalo na't hindi narin nakasayad sa ere ang kanyang mga paa, tila nasasakal narin sa hawak ni Haze.

Halata sa kanyang mukha ang takot niya sa kanya. Nagmistula lamang siyang bata at mukhang hirap na hirap tumakas sa kamay nito.

Haze smirked at him evily.

"Mauna ka ngayon sa langit," aniya at bigla nalang naging mabilis ang kanyang kilos na parang hangin.

Our eyes widened when he slammed him hard on the floor! Sa sobrang lakas ay parang may kumalabog at. Pakiramdam ko ay nabalian na siya ng kung ano sa kanyang katawan.

"Anzai!" tawag ko sa sobrang takot sa kanyang ginawa.

"Shit!" Isa iyon sa kanyang mga kaibigan, hindi alam kung lalapitan ba siya para awatin dahil natatakot narin.

Nagtayuan narin ang iba. Ang mga nasa dancefloor ay walang napapansin dahil sa malakas na tugtog pero ang mga nakakita ay nakikiusyoso na.

Japeth passed out instantly! Hindi na nakagalaw roon at parang naparalisa agad! Namulsa si Haze, umangat lamang ang kilay at tila walang reaksyon sa kanyang ginawa habang nakatitig ng mariin kay Japeth na hindi na nagigising.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon