33rd Gripped

89.3K 2.5K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Elaiza Rose Biares. Belated happy birthday!
------------

Snob Uncle

Marami ang dumadalaw sa akin noong nasa hospital pa ako. Bumisita rin ang mga pinsan kong Fortalejo, pati sina Tito Vlad, Tito Vince at Tito Vincent. May kanya kanya silang dala para sa akin kaya ang raming nakatambak na kung anu-ano sa loob ng kwarto.

"Ang gwapo noong supladong bodyguard mo ah," ani Cassey, pasulyap sulyap sa may pinto.

"He's so cold... He reminds me of..." Tiningnan ni Ate Chey si Cassey ng makahulugan.

Inangatan niya lamang ito ng kilay at nagtungo sa may table para ayusin ang mga fruits. Tumawa si Ate Chey. Si Naia naman ay nagbabalat ng apple para sa akin, tahimik lamang katulad ng aking nakasanayan sa kanya.

Ibinalik muli ni Ate Chey ang buong atensyon sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay.

"Your Grand Uncle is an expert doctor. Hindi na nakakapagtaka at nakaligtas ka sa panganib," ani Ate Chey.

"Sadyang hindi niya pa talaga oras," si Naia naman na lumapit na sa akin at inilahad iyong bowl.

Kinuha ko iyon at inilagay sa aking kandungan.

"Thanks..."

Tumango siya at binalingan muli si Ate Chey.

"I'm sure pati si Grey ay magiging ganoon din. Ngayon pa nga lang eh ang expert expert niya rin..." ani Ate Chey, nagniningning ang mga mata.

"Expert saan?" Nagsmirk si Cassey nang marinig iyon.

Pinaningkitan niya ng mga mata ang aming pinsan. Ngumuso ako.

Hindi ganoong maingay ang kwarto pag mga Fortalejo ang bumisita. Pero pag ang mga pinsan ko na talaga, parang daig pa ang ramble sa loob sa sobrang ingay dahil sila pa ang kumakain noong mga dinadala ng bumibisita sa akin.

Noong malapit na akong makalabas dahil okay narin ako at pakiramdam ko ay malakas narin ako ay nakausap ko pa si Grand Uncle Rico. Babalik narin siya sa Canada. Sinigurado niya lang na maayos ang aking kalagayan.

"Don't scare us like that again..." ani Grand Uncle sa marahang boses.

I know he's already old pero pag tititigan siya ng malapitan ay hindi talaga naitatago ng katandaan ang kanyang kagwapuhan.

"Thanks Grand Uncle." Niyakap ko siya.

Hinagkan niya ang aking ulo at yumakap pabalik.

"Our baby... Sisiguraduhin kong hindi na iyon mauulit. Wala nang makakapanakit sa'yo ng ganoon, Elle."

"Thank you po, Grand Uncle..." I squeezed him more.

Nag-usap sila saglit ni Tobias. Seryoso siyang tatango kay Lolo at mukhang iyon na ang kanyang batas, na bawat utos ay susundin niya at hinding hindi iyon mababali nino man. Nang napansing masyado na akong nakatitig ay tumingin din siya pabalik. He stared at me coldly, like an ice.

Sa tinagal tagal ko sa hospital ay hindi talaga kami nakakapag-usap ni Tobias kahit siya naman ang nagbabantay sa akin. Ang alam ko, he was trained in US as a good sniper. Ganoon siya kagaling umasinta. And he seemed very dangerous, lalo na't sa kanyang gilid ay palaging may nakaipit na armas, like gun.

Pagkalabas ko ng hospitay ay palihim na nila akong ideniretso sa isang hotel. Ang sabi ni Grand Uncle, mas mabuting huwag dumeritso sa bahay dahil baka may umaaligid doon. Si Tobias ang lagi kong kasama, pati sa hotel kung saan kami tumuloy kasama narin sina Mommy, Daddy, kapatid ko, at iilan ko pang mga pinsan.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon