19th Gripped

101K 3.1K 1.6K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Jecky Perez. Happy reading!
-------------

No Regrets

Nagpaalam ako ng maayos kina Mommy at Daddy kinabukasan. Pumayag naman sila, sa pag-aakalang kasama ko ang mga friends ko. Si Kuya Red ay hinayaan din ako, ang sabi niya ay basta magtext lang pag magpapasundo na.

Nagpahatid lang ako sa pagkikitaan namin ni Haze sa hapong iyon ng Sabado. Pagkababa ko ay sinabihan ko na agad ang driver na huwag na akong hintayin pa dahil baka makita niya ang pagdating ni Haze, o kung nariyan man ay baka mabuko ako.

Umalis din naman ito. Tiningnan ko lang iyon hanggang sa may bigla nalang bumusina sa aking likuran.

Nagulat ako at mabilis iyong nilingon. Nakita ko ang hindi pamilyar na kotse. Umabante iyon hanggang sa tumigil iyon sa aking harapan at bumaba ang bintana. The luxurious red Aston Martin is infront of me with Haze looking so handsome inside his flashy car.

Binuksan niya roon ang pinto at itinulak para makapasok ako ng maayos. Ngumuso ako nang mas makita ko ang kanyang kabuuan. His disheveled hair looks intimidating with his black glasses. He's wearing a button down shirt, ang dalawang butones ay nakabukas, pants and shoes. Imbes na matakot at masindak sa kagwapuhan, namamangha ako lalo sa kanya.

Umupo ako at naging komportable sa front seat. Isinara ko ang pinto. Nalalanghap ko pa ang pabango niyang gumagala sa loob at ang iba ay dumapo na ata sa akin at niyayakap ako.

Umabante si Haze. Sa aking pagkagulat ay dumikit agad ako sa upuan. Ngumuso siya nang mapansin ang aking kilos. Kagat ang labi ay hinila niya ang seatbelt sa aking gilid.

"Ang lakas ng loob mong manghamon ng practice pero ganyan ka agad kagulat sa kaonting lapit ko," he said in his baritone voice habang kinakabit na ang seatbelt sa gilid.

Yumuko ako at pinisil ang aking mga daliri. I missed him so much... Nakakalungkot ang pagkakamiss ko sa kanya. Parang ayoko nang matapos ang araw na ito.

"Saan tayo magdidate?" tanong ko habang binunuhay niya na ulit ang kotse.

"I know some overview... Maganda roon, mahangin at tahimik," suhestyon niya na ikinatango ko, walang ediya sa mga ganoong lugar.

Pinakialaman ko ang kanyang stereo. Nangalkal ako ng kanyang mga CD's. Dalawa lang naman ang naroon kaya iyong isa ang pinili ko.

"Ito ba 'yong mga madalas mong kinakanta sa akin?" tanong ko at pinaplay iyon.

Haze licked his lips and brushed his hair.

"That's..."

Bago pa matuloy ang kanyang balak sabihin ay napatalon ako sa gulat dahil sa pagsabog noon sa loob ng kanyang kotse. The unfamiliar song made me shock! Anong... Anong language ito?

Ngumuso si Haze sa naging reaksyon ko. My eyes widened.

"Ew, jejemon!" Tumawa ako at tinuro siya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "You're a racist. I like that song..."

"Ano 'to? Theme song nila Scooby Doo?" Tumawa ako nang marinig ang lyric Shibido bido na part.

"Who's that?" Nilingon niya ako, takang taka.

"He's a dog. Cartoon?"

Tila wala siyang ediya sa aking sinasabi kaya ibinalik niya ulit ang tingin sa harap at doon nagfocus. Tiningnan ko naman iyong title ng kanta. It's Angel by Shaggy. Akala ko pa naman puro Cueshe ang hilig niya? Wala akong makitang CD ni Cueshe rito...

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon