16th Gripped

101K 3.2K 2K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Elaiza Rose Biares. Happy reading!
------------

Boyfriend

Inisip kong mabuti kung tama ba ang pag-amin ko. Siguro ay masyado lang akong nagulat? O di kaya ay masyado lang akong nagpapadala sa bugso ng damdamin, katulad ng sinabi ni Lolo. But how can I control it if it's overflowing? Parang pag hindi ko inilabas, pag hindi ako umamin, ay sasabog na ako.

Dumilat ako, nacucurious sa pagiging tahimik niya. Nakita ko siyang nakapikit, tila may pinapakalma at tumataas baba pa ang kanyang balikat dahil sa mabibigat na paghinga.

"Can I use your comfort room first?" halos hirap niya iyong sinambit.

Dumilat siya. Nagulat ako sa nag-aapoy niyang mga mata, tila susunugin na ako ano mang oras.

"Oo... Iyang kulay cream ang pinto." Itinuro ko iyon.

Mabilis siyang tumayo, deri-deritso na ang lakad papasok sa aking cr at naririnig ko pa ang mahaba niyang pagmumura ng 'tangina...', tila hirap naman sa isang bagay.

Bumuntong ako ng hininga at kinalma ang aking sarili. Maingay ang agos ng tubig sa loob. Kaya habang naroon siya ay bumaba rin ako para kumuha ng tubig at parang nanuyo ang aking lalamunan sa pag-amin.

Walang tao sa kitchen. Ang lahat ay naroon talaga sa labas. Ang nasa sala ay si Naia, hindi nakikisali sa kasiyahan sa labas. Nginitian ko lamang siya saka ako muling umakyat sa kwarto.

Pagkapasok ko, hindi parin nakakalabas si Haze. Masakit ba ang tiyan niya? Hindi ba maganda ang pakiramdam niya?

Naghintay nalang ako hanggang sa lumabas din naman siya. His hand is wet and he looked... he looked tired...

Yumuko akong muli, nahihiya na naman sa kanyang presensya. Bakit ba kasi napakagwapo niya? Hindi na ata takot ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung takot man, hindi na sa kanya kundi sa ibang bagay na. Takot ako na baka bigla nalang bumaliktad ang kasiyahang ito. Takot ako na baka... baka sa sobrang kagustuhan kong hawakan siya ng mahigpit, siya na ang kusang bumitaw.

"So... You want to be my girlfriend?" tanong niya, mukhang nakabawi na sa pagkagulat at okay na.

Mabilis ko siyang tiningnan at umiling agad.

"Hindi..." sagot ko.

Nagkasalubong ang kanyang kilay, nalilito na at nameywang sa aking harapan.

"You said you want me to be your boyfriend?"

Tumango ako. "Oo pero ayoko munang maging girlfriend mo. Ikaw na muna." Ngumuso ako habang tinitingala ito.

He looked shock and confused. Hinaplos niya ang gilid ng kanyang buhok.

"I thought you like me?" he said silently.

Nag-isip ako ng iba pang ediya. Hindi naman kasi pwedeng girlfriend niya narin ako. Bawal pa ako noon. I need to tell this to my parents first. Mas okay na iyong boyfriend ko na muna siya at pag pwede narin ako ay girlfriend niya na ako. Pero sa ngayon, akin siya.

"Pumapayag ka ba?" tanong ko, tinutukoy ang sinabi ko kanina.

He bit his lowerlip. "Iyong alin?" Dumako ang tingin niya sa laces ng aking dress.

"Na... Maging... maging boyfriend ko?" I whispered softly.

Haze sighed. Humilig siya sa kanyang mga hita at yumuko habang hinahawakan ang ulo.

"And you're not my girlfriend yet?"

"Uhm, oo... Parang ganoon na nga."

He sighed again, like he's really problematic with my idea.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon