51st Gripped

117K 2.5K 432
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Penthouse

Bumaba rin naman kami ni Zera pagkatapos naming mag-usap doon sa loob ng aking kuwarto.

Nadatnan namin sila sa ibaba na nag-uusap parin pero nasa sala na ang mga ito. Si Daddy ay si Anzai ang kausap. Si Tobias naman ay nakapamulsang kausap si Grand Uncle Rico at seryosong seryoso ang kanyang mukha.

Binalingan ko si Zera habang bumababa kami sa hagdan.

"Wala ka pang boyfriend?" tanong ko.

Umiling siya at sinuklay paatras ang buhok.

"I'm busy with my cafe. Wala akong panahon sa mga ganyan."

Oh... Ireto ko kaya siya kay Tobias? I think they will click?

Bumagal ang aking pagbaba at lumapit sa kanya para bumulong.

"Mahilig ka ba sa suplado?"

Mabilis na nagkasalubong ang kanyang mga kilay at tila namumula na ewan.

"Hindi gaano..." she said almost a whisper.

"Si Tobias... Single..." bulong kong muli at nginisihan siya.

Sumulyap siya kay Tobias. Sumulyap din ako sa kanya. Tobias glance at us using his serious face. Ngumiti ako sa kanya. He gave me a small smile.

Kinuha ni Grand Uncle ang kanyang atensyon kaya ibinalik niya ulit sa kanya.

"Mala Trey parin ba ang tipo mo? You can try someone who's opposite from you, Zera. I think totoo iyong sinasabi nilang opposite attracts. Feeling ko hindi kagaya ni Trey ang mga bagay sa'yo kundi iyong mga suplado at seryosong seryoso."

Tahimik lamang siya, masyadong seryoso ang mukha. Nagtagal ang paninitig ko kay Zera. Bakit parang may mali talaga sa kanya? Walang buhay ang kanyang mga mata hindi kagaya noon na masyado siyang hyper at madalas ang pagtataray.

Sa paglipas ng panahon ay marami namang nagbabago, maraming nangyayari. May nangyari ba sa kanya kaya ganyan na siya? It looks like she's very lifeless...

"Wala akong mga panahon sa ganyan," tangi niyang sabi sa malamig na boses.

Bakit parang kinukulong niya ang sarili niya sa kalungkutan? What's the matter with her? Ako ang nalulungkot sa bigat ng pakiramdam ko sa kanya.

Nakipagkumustahan lamang ako sa iba at sinagot ang kani-kanilang tanong na kung ano ano rin naman. Pinuri pa ako ni Irah sa aking pagbabago.

"You look more happy unlike your cousin Zera," ani Irah sa nanunuyang boses, nakahalukipkip ito at suot ang long sleeve dress.

Gusto kong punahin ang kanyang suot dahil summer naman sana pero ipinagkibit ko nalang iyon at tiningnan ang pinsan kong nakaangat lang ang kilay.

"Purket ba single ako?" si Zera sa matabang na boses.

Humagikhik ako. Nag-angat din ng kilay si Irah.

"Naunahan ka pa ni Elle. Baka mauna pa siyang bumuo ng pamilya kaysa sa'yo. Napaglilipasan kana ng panahon..."

Umirap si Zera at humalukipkip lamang.

"I am happy being alone. Mas mabuti ang ganito dahil wala akong inaalalang sakit sa ulo. I am free to do anything I want," ani Zera ngunit walang kabuhay buhay ang binibitiwang salita.

"Baka tumanda kang dalaga, Zera," sabi ko.

"I'm fine living alone..." Sabay kibit.

Nagkatinginan kami ni Irah. Sumulyap naman si Zera sa dako ni Anzai na ngayon ay si Grand Uncle Dwight na ang kausap. Mabilis din namang binawi ni Zera ang kanyang mga mata at hinaplos ang buhok, tila lumilipad na ata sa ibang lugar ang utak dahil sa biglaang pag-iiba ng timpla ng kanyang ekspresyon.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon