24th Gripped

97.3K 2.7K 1.5K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Asiana Vied Caceres. Happy reading!
-----------

High Standards

Pagkatapos naming mag-usap ni Kuya ay nagdesisyon parin siyang manatili. Hinayaan ko na lamang siya at ang lintek na si Haze naman ang aking kinakausap na masyadong tinatakot ang aking kapatid.

"Stop giving him that look! You're scaring him!" Pinitik ko ang kanyang ilong.

Ngumuso siya at kumakalma na ang ekspresyon.

"Sinabi mo na pala?"

Dahan dahan akong tumango. Binasa niya ang labi at sumulyap muli kay Kuya na naroon lamang sa bench, nakaupo at nakahalukipkip, akala mo ay kung sinong gwapong bantay.

"Baka gusto niya ring magtraining nang makasparring ko siya..." he smirked at me.

Sinamaan ko siyang muli ng tingin. Napawi ang kanyang ngisi at hinaplos ang batok.

"I'm sorry," agaran niyang sabi kaya kumalma naman ang aking ekspresyon. Hinila niya ng marahan ang aking beywang at giniya na ako sa paglalakad. Lumunok ako, masyadong nababahala dahil nariyan si Kuya. Noong nilingon ko ay nakasimangot siya roon. Kumaway ako sa kanya. Ngumiti naman siya at kumaway pabalik.

"He's not my driver," giit ko sa kanya habang naglalakad kami, ewan kung saan pupunta...

"I know. I am just teasing him," aniya sabay pasada ng buhok.

"At bakit mo naman inaaway ang Kuya ko?"

Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, ayaw umamin.

Buti hindi si Kuya Blue iyang inaangasan niya kundi ewan ko talaga. My other Kuya is different... Malala iyon unlike Kuya Red who's soft like an ice cream.

"Iyong mga request ko?" ani Haze sa kausap niya kanina, iyong lalakeng masyadong bulky.

May binigay siyang gymbag kay Haze. Binuksan iyon ni Haze at chineck. Sumulyap sa akin ang lalake kaya sumulyap din si Haze sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at itinuon ang buong atensyon sa loob noong bag.

"This is yours," ani Haze at isinabit na sa kanyang balikat iyong gymbag.

"Akin?" Tinuro ko ang aking sarili.

"Yes. Binilhan na kita para makapagsimula kana agad ngayong araw."

Oh wow... Edi magiging permanent na naman ako rito dahil may sarili narin akong equipments ko?

Pinagpalit niya ako ng damit doon. Nagsuot ako noong kulay puti. I look like a taekwondo player. Sumipa sipa pa ako kunwari roon sa loob pero lumabas din naman pagkatapos.

Nakapagbihis narin si Haze noong white kimono. Malagkit kong tiningnan ang itim na belt sa kanyang beywang. Blackbelter!

Itinali ko ang aking buhok. Inayos naman ni Haze ang belt sa aking beywang.

"I also want that belt..." Itinuro ko iyon kaya yumuko siya.

"Baka abutin ka pa ng ilang taon. But we'll work on that..." ani Haze.

"Eh ikaw? Ilang taon kana bang jujitsu player?"

"Since I was seven. I got my belt when I was nineteen. Blackbelter na ako noon..."

Namilog ang aking mga mata. Ganoon siya kabata naging blackbelter?! I can't imagine his experties in martial arts...

"I can paralyze my opponent in just one blow, Elliana, since I also mastered Karate and Taekwondo at the age of twenty," aniya na ikinatakot ko.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon