36th Gripped

85.3K 2.7K 1.1K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Myx Karyll. Happy reading!
----------

Landon Amarillo

Pasko... New Year... Kaarawan ng aking mga Kuya... Kaarawan ko. Kaarawan ng aking mga pinsan, nina Mommy, Daddy... Lahat ng iyon ay lumipas na parang bula sa ere. Sa bilis ng usad ng panahon ay takang taka na ako kung bakit parang wala atang kasalang nangyayari.

Nagtagal akong teacher sa Center lalo na't mas napamahal na sa akin ang mga bata. Ako parin ang nagtuturo sa kanila dahil mukhang iyong hinihintay nilang Substitute ay hindi rin kaya ang sahod.

Wala akong balita kung ano na ang nangyayari. Bakit hindi parin ako pinapauwi? Ilang taon na kaming nabubulok dito ni Tobias at parang naging bahay nalang namin ang Resthouse, naging mga Uncle ko naman ang aking mga kasama sa loob na todo bantay parin sa akin.

Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi parin natutuloy ang kasal. O baka naman ikinasal na pero wala lang binabanggit sa akin dahil baka iniisip nila na nawiwili narin ako rito at baka masaktan lang ako sa balita pag nalaman ko iyon.

If Anzai is happy with her eh ano pang magagawa ko? Tapos na akong masaktan. Matagal na akong nasaktan. Ito pa ba? I already accepted our fate. Tanggap ko na ang lahat. Then why are they delaying the marriage? Ano? May iba na namang pakulo? Baka naman pinagsaawan niya narin si Sienna at may panibago na ulit?

I've been thinking about it for the past days. Wala naman akong binubuhay na pag-asa sa aking imahinasyon at matagal narin namang namatay ang mga kulisap sa aking tiyan pero hindi ko lang talaga maiwasang isipin ang bagay na iyon.

Did he change his mind? Anzai is very hard to read. Hindi mo siya map-predict sa isang sulyap o titig lamang. Kahit nga ilang taon mo na siyang kilala ay parang hindi mo parin ito lubusang kilala, kung ano talaga ang tunay na pagkatao nito. Why is he delaying the marriage? Iyon talaga ang gumagambala sa isipan ko.

Hindi ko makalma ang aking isipan sa araw ng Sabadong iyon. Walang pasok ang mga bata kaya heto ako sa Resthouse, malalim ang tingin sa mainit na kumikislap na karagatan.

May kumatok. Lumingon ako at nakitang pumasok si Tobias. Hawak niya ang cellphone at itinuro iyon.

"Tumatawag ang Mommy mo," sabi niya.

Noong marinig ko iyon ay mabilis akong tumayo at nagtungo sa kanya. Bumaba kaming dalawa. Tumakbo pa ako sa hagdan makalabas lang agad sa Resthouse para makapaghanap ng magandang signal lalo na't hindi gaanong malinaw ang boses sa kabilang linya sa tuwing nasa loob.

"Mommy?" Naglakad lakad ako, si Tobias naman ay nakabuntot.

"Elle... baby..."

Napangiti ako nang marinig ang kanyang boses. Tumigil ako at sumilong sa lilim ng puno. Tumigil din si Tobias, seryoso ang tingin sa akin.

"How are you? Miss na miss kana namin ng Daddy mo. Natanggap mo ba ang mga padala namin? Did you like it?"

"Yes, Mommy. Thanks sa magagandang damit. I like it so much," sabi ko.

Bumuntong siya ng hininga. Sumandal naman ako sa katawan ng puno habang tinitingnan ang aking sandals na medyo napasukan ng buhangin. Iniyugyog ko iyon para maalis.

"Hindi ka naman nalulungkot diyan? Nabalitaan ko kay Tobias na nawiwili kana raw sa pagiging teacher. I'm happy at may napagkakaabalahan ka."

"Nakakatuwa kasi ang mga bata. I am even planning to have a lisence in teaching. I'm starting to love the kids..." I chuckled.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon