18th Gripped

97.8K 3.1K 1.2K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Serene Pag-inig Imperial. Happy reading!
----------

Practice

After buying school supplies ay kumain din naman kaming apat. Pasulyap sulyap lamang ako kina Zera at Irah. My cousin talks alot while Irah is just beside her, nakikinig din naman at sumasagot sagot.

Franca chuckled beside me. Nagulat ako roon at napagtantong siya pala ang aking katabi. Umupo ako ng tuwid at pasimpleng iginala ang tingin, lalo na't hinihintay nalang namin ang aming order.

"Ang seloso at selosa niyo talaga," aniya, sapat lamang na marinig ko.

Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling itinuro ang aking sarili. Tumango siya at dinampot ang baso ng tubig saka sumimsim doon. Inilapag niya iyong muli at humilig sa mesa.

"Anyway... How's Nana?" tanong niya, masyado paring marahan ang boses.

"Okay lang naman siya. Pinagpatuloy niya roon ang pangarap niyang Fashion design."

Tumango siya. "She's good at it. Baka nga ay sumikat pa siya. Marunong narin ba siyang mag-ayos? Hindi na manang at baduy manamit?"

Alam kong baduy manamit si Nana at iyon ang madalas sabihin ni Zera, pero iyong marinig rin kay Franca ay nakakagulat talaga. Di ko alam kung nanlalait ba siya o ano.

"Maayos naman ang mga damit niya," sagot ko, pilit inaalala sa aking isipan ang mga sinusuot ni Nana pag bumibisita kami sa Canada.

"I see... Inosente parin?" she chuckled softly.

Tumawa narin ako, hindi alam kung tatango o iiling. Pero naririnig ko kay Tito Jimin na nahahawa raw iyon sa pinsan niyang si Heluisse. Marunong na raw makipagsocialize si Nana roon, ani Tito Jimin.

"Pag masyado ka ring inosente, baka matulad ka kay Nana na nauuto lang. That's very sad." Sumimangot siya sa akin.

Pinisil ko ang aking mga kamay na nasa kandungan.

"Hindi ako magpapauto 'no. Feeling ko marunong akong bumasa ng ugali ng isang tao..."

Tumawa siya, nailing. "Feeling..."

Gusto ko rin sanang idagdag na may itinuturo naman si Haze sa akin para hindi agad ako mauto pero ikinimkim ko nalang iyon sa aking sarili.

Si Franca lang ang kausap ko buong oras na iyon. Kung anu-ano lang naman ang kanyang tinatanong at kung anu-ano lang rin ang aking sinasagot. Medyo kumakalma rin ako dahil nariyan siya at may kausap ako lalo na't si Irah at Zera ay halos ayaw na atang madisturbo.

Hindi na nasundan ang lakad na iyon sa mga sumunod na araw. Hindi narin ako gumala dahil wala naman akong kasama lalo na't ayoko ring sumama kina Penny, Lexy at Kiera dahil alam ko ang balak nila ay pilitin akong akitin si Haze. I'm contented with our texts and calls everyday.

Noong pagpasok ulit ng klase ay kulang nalang lagnatin ako sa rami ng mga tao. Maraming bumabati sa akin na kakilala at nginingitian ko na lamang. Some of them were familiar, some were not. Kaya ayun, may mga subjects ako na kaklase parin sina Lexy, Penny at Kiera kaya no choice ako kundi sa kanila parin dumikit since Zera is always with Irah again. Minsan naman ay nagkakasabay kami tuwing breaktime para kumain, pero may mga araw na si Kiera rin ang aking kasama, dahil nga ay magkatulad ang aming break time.

Pag nasa school, hindi ako nakikipagtext kay Haze dahil baka mabuko rin ako ni Kiera na busy ako sa aking phone at ayokong pati ang aming mga pag-uusap ni Haze ay halungkatin niya pa. I want to keep it in private.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon