26th Gripped

95.4K 2.5K 1.5K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Irahclaire Codilla. Happy birthday, Irang!
----------

Kidnap

Sabado.

Habang hinahatid ako ni Kuya sa meeting place namin nina Kiera para manood ng drag racing ni Haze ay hindi ko maiwasang bumuo ng kung anu-ano sa aking isipan.

I am excited for their reaction. But if Kiera is against it then wala na akong magagawa. I'm done pleasing her. Kung hindi niya matatanggap ang desisyon ko edi bahala siya.

"Tahimik ka ata?" tanong ni Kuya at sinisilip ang aking ekspresyon.

Umayos ako ng upo. Nilingon ko siya.

"I'm going to introduce Anzai as my boyfriend..."

Umangat ang dalawa niyang kilay.

"Oh... Di pa pala nila alam?"

Umiling ako at nahulog ang mga mata sa suot niyang plain white tshirt.

"Hindi pa... Pagkatapos ko silang ipakilala sa friends ko, kina Daddy at Mommy naman. What do you think, Kuya?"

Tumango siya. "Pwede rin. I think Dad is cool with it. Total di ka pa naman girlfriend... Ligawan ka nalang niya muna."

"Tapos pag nakapagtapos na ako... diyan ko na siya sasagutin?"

"Oo..."

Tumango ako sa kanya. Dalawang taon lang naman eh. After this... pwede na kahit ano. Kahit magpakasal kami, o kung ano mang maisipang gawin naming dalawa.

Ngumiti sa akin si Kuya.

"Dalaga kana talaga. May mga sarili kanang desisyon mo."

Ngumuso ako. "I want to be independent. Gusto kong magawa ang mga bagay na gusto ko balang araw na hindi ko kayang gawin ngayon."

"Like?"

Nagkibit ako. "Siguro ang pagiging mag-isa?"

Dumaan ang pagkalito sa kanyang mukha. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada.

"Why do you want it so bad for yourself? Hindi ka ba natutuwa sa mga friends mo?"

"Hindi naman sa ganoon pero I think mas mabuti rin na masanay kang mag-isa minsan." Tiningnan ko ang labas ng bintana. "Iyong hindi mo kailangang umasa sa ibang tao kasi kaya mo namang tumayo sa sarili mong mga paa. Ganoon... Like it's part of growing-up. And I want to grow as a mature younglady."

Hindi umimik si Kuya at dumaan muna ang katahimikan. Tumahimik din ako. What's the feeling of having a mature decision? Iyong desisyon na alam mong nasa tamang landas at masaya ka kahit tutol ang iba. I think those decisions are worth taking the risk. Para kasing ang sarap magdesisyon ng naaayon sa'yo, iyong magpapasaya sa'yo kahit na tutol ang lahat.

Pero bakit naman sila tututol kung doon ka naman masaya? It's confusing me. Nililigaw ata ako ng sarili kong utak. I chuckled inwardly.

"Thanks, Kuya." Hinalikan ko ang kanyang pisngi.

"Text me later."

Tumango ako at kumaway na sa kanya. Nagtungo narin ako sa Cafe kung saan kami magkikitang tatlo.

"Hi Brielle..." si Penny ang naunang tumayo at nakipag beso beso sa akin, nakadress.

Nang humiwalay siya ay ngumiti narin ako sa dalawa pa. Matamis ang ngiti ni Lexy, suot ang isang strapless top at platted skirt habang si Kiera ay nakahalukipkip at nakatingin sa aking top. Doon ko napagtantong parehas kami ng kulay at style ngayon ng damit. Tumawa si Penny nang umupo siyang muli. Binakante ko narin ang upuan.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon