45th Gripped

99.6K 2.8K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Venus Eva Llacer. Happy reading!
------------

Bad Memories

Hindi ko alam kung ano talagang nararamdaman ko. Natutuwa ako na nalulungkot. Natutuwa sa aking desisyon pero nalulungkot para kay Tobias. Siguro naman hindi iyon ganoon kalalim hindi ba? I should think in a positive way. Imagine Elle... Pag sinagot mo ay at hindi mo naman siya gaanong mahal ay hahadlangan mo lang siyang makahanap ng mas magpapasaya sa kanya. What if sinagot ko siya at sa mga araw na iyon ay dapat may makikilala siyang iba? Oo nga... Baka parang naging hadlang pa ako.

Kinumbinsi ko ng husto ang aking sarili habang paakyat na ako sa aking kwarto pagkatapos naming mag Goodnight sa isa't isa. Iyon ang laman ng isip ko saka ko binuksan ang pinto at agad na napansin ang kama.

Huh? Nasaan si Anzai?

Isinara ko ang pinto at sumuyod sa kabuuan. Maybe nasa comfort room? No... Walang tao roon. Kahit ang ilalim ng kama ay nagawa ko pang silipin kahit alam kong wala siya roon pero ginawa ko parin and he's not really there! Nasaan siya kung ganoon? Mahimbing iyong tulog niya noong iniwan ko siya ah?

O baka naman lumipat na sa kanyang kwarto? Hmm... Maybe. Mabuti narin iyon kaysa magtabi kami! Baka magulat nalang ako at magkakatotoo na iyong sinabi niya pagkagising ko! Isipin pa noon pinagnanasaan ko siya pag hindi na ako nakatanggi sa gusto niya.

Naiwan ang kanyang pabango noong humiga na ulit ako sa aking kama. My comforter smells like him at pakiramdam ko ay niyayakap niya ako. Bakit kaya sobra niyang bango? What's his perfume? Pinangliligo niya ba? Kahit nga pawisan iyon ang bango bango parin. I think his sweat is made of perfume, too!

Iyon ang aking iniisip bago muling humalo si Tobias. Nalungkot ako saglit habang nakatitig sa ceiling. Magiging proud din ako sa desisyon ko pag nahanap na ni Tobias ang babaeng para sa kanya. For sure he's going to thank me...

Kinabukasan ay humikab na ako habang bumababa ako. Walang gumising sa akin at napuyat pa ako sa kakaisip ng kung anu-ano! Mga twelve-thirty na ako nakatulog!

"Tinanghali ka Brielle!" Tumawa si Aling Honey nang madatnan ko siyang naglilinis sa sala.

"Oo nga po eh..." Humikab akong muli. "Okay na po ba ang pakiramdam niyo?"

"Huh? Wala naman akong sakit... Pero kahapon ay pinagpapahinga ako ni Landon lalo na't siya pa ang nagpresintang mamalengke. Ang sabi niya ay isasama ka raw niya," ani Aling Honey habang nasa pagpapahid ng high windows ang buong atensyon.

Natigilan ako sa kalagitnaan ng grand staircase. Huh? Akala ko ba may sakit siya at siya mismo ang nagsabing.... Anzai Haze! Napakasinungaling talaga ng lalakeng iyon! Ang galing galing dumiskarte!

"Nasaan po si Landon?" tanong ko, handa na itong komprontahin.

"Ah... Mukhang nasa labas? Kumain ka muna Brielle... Naroon na sa kusina ang hinandang pagkain sa'yo."

Tumango ako at ngumiti habang bumababa na ng tuluyan. I'm going to eat after talking with Anzai! Lagot siya sa akin. Ginamit niya pa talaga si Aling Honey ah! Di na siya nakontento sa mga bata, at pati pa talaga matanda!

Si B3 ang nakasalubong ko habang palabas na. Medyo pawisan ito at mukhang galing sa jogging lalo na't iyon ang madalas niyang ginagawa.

"Si Tobias ba? Nasa bayan sila ni Tiago... Pinaayos nila iyong motor..." aniya, na iyon ang sadya ko.

"Ah... Si Landon ang hinahanap ko," sabi ko at humaba pa ang aking leeg kakatanaw sa dalampasigan.

"Oh... Si Landon? Nasa may kakahuyan. Boyfriend mo na 'yon?" Ngumisi sa akin si B3, nanunuya iyon at tila gusto akong paaminin.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon