The Untold Part

123K 2.9K 1.5K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Isaiah Jace Silvestre

Bagong taon ng Enero, iyon ang araw noong umuwi ako pagkatapos rin ng ilang taong pag-aaral sa ibang bansa ng Abogasiya.

Atat na atat na akong umuwi noon pa man pero hindi ko naman pwedeng iwanan at talikuran ang lahat lahat, pagkatapos ng mga paghihirap ay hindi naman pwedeng magpadala ako sa mga balitang natatanggap ko galing sa demonyo kong kapatid.

"It's good to see you again." Ang pangisi-ngising si Anzai ang sumundo sa akin sa airport.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin, lalo na't ang huli naming pag-uusap ay hindi ko masyadong gusto.

Pinanood ko ang iilan niyang tauhan kung paano kinuha ang aking gamit at isinakay sa kanyang kotse. Ganito na karami ang nakaaligid sa kanya at ibig sabihin lamang noon ay binulgar niya na talaga kung sino ito sa publiko.

"Ba't ganyan ka talim ang pasalubong mo sa akin?" he said cooly at nagawa pang isuot pabalik ang sunglasses na nakasabit sa kwelyo ng suot niyang damit sabay pasada ng buhok.

"Ano iyong sinasabi mong..."

"Oh? Iyong may pinakasalan akong kakilala mo lang at malapit sa'yong puso?" he smirked wickedly.

Kahit kararating lamang sa Pilipinas, nakipagsabayan agad sa init ng panahon ang aking ulo. I punched his shoulder, kahit hindi naman natinag.

"Putangina?"

Humagalpak si Anzai at naunang magtungo sa nakaparadang Audi r8 niyang sasakyan. Mabilis akong bumuntot sa kanya, atat na atat ng malaman iyang sinasabi niyang malapit sa akin ang babaeng pinakasalan niya.

Akala ko ba si Sienna? What happened? Iyon ang ibinalita ni Papa sa akin. That girl is the daughter of their family friend. Ang sabi niya ay magpapakasal daw ang dalawa kaya iyon lamang ang aking alam.

"Hindi malapit sa akin iyong Sienna Valdez." Padabog akong pumasok sa front seat, pinapakita sa kanya ang pagkakairita ko na sana ay itigil niya ang kanyang biro.

He whistled while starting the engine of his car. Matalim kong tiningnan ang bawat galaw niya. He pulled the clutch smoothly at unti-unti ng inialis ang sasakyang nakapark para makalabas na sa airport.

Hinila ko ang seatbelt at ibinalik agad ang aking atensyon sa kanya.

"You're turning thirty-one this year and you're still pulling this trick to piss me off, huh?" sabi ko sa matigas na ingles.

Nilingon niya ako. "I am not fooling around. Isang Delafuente nga ang pinakasalan ko."

Nahilamos ko ang mukha at ayaw agad maniwala sa kanya.

"Masyado ka kasing subsob sa pag-aaral. You know girls nowadays... They want someone who's not busy... Iyong maraming oras sa kanila," ani Anzai at nasa 60 na ang speed limit, nilalampasan na lamang ang mga paharang harang na kotse habang nakasandal ng kampante sa upuan.

No... He must be kidding. He's just fooling around. Hindi ko siya pinakinggan at pilit itinuon ang tingin sa labas ng bintana.

"Ang sabi ko sa'yo ay babantayan ko. Sa kakabantay ko ayun-"

"Shut-up!" I growled angrily, hindi na nakapagtimpi pa.

Ngumisi siya sa akin. "I married a Delafuente, Isaiah. Can't get over with your past, eh?"

Fuck! Nandidilim na ang aking paningin at talagang sugo ni Satanas na nakikita ko sa aking harapan. Sumipol sipol siyang muli.

"Kaya nga pinauwi kita noong kasal ko pero di ka umuwi. Edi hindi mo tuloy napigilan ang kasal."

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon