41st Gripped

95.9K 2.6K 955
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn.

This chapter is dedicated to Nicole Keith Capulong. Happy reading!
----------

Equal

I got contented with my decisions that night. Pagkatapos ng aking mga kondisyon ay hindi ko na narinig ang kanyang mga pinagsasabi. But it's satisfying...

Pwede ko naman siyang parusahan ng husto. Pwede kong iparamdam ko sa kanya ang galit ko. Pero napagtanto ko rin na wala talaga akong mapapala roon. It will only put me into guilt. Magiging masaya naman ba ako? Hindi. So I'd rather give a fair decision. And he's kinda... sincere? This time I'm going to see him making an effort. Wala naman sigurong lalake ang magkakandarapang gumapang sa'yo pabalik dahil lang sa mababaw na rason hindi ba?

Nagising ako sa katok sa aking kwarto. Humikab ako at unti-unting hinila ang sarili patayo. Hindi ako agad nakatulog kagabi at medyo inaantok pa ako.

Kumatok iyong muli. Bumalikwas na ako ng kama at parang zombie na naglakad lalo na't nakapikit pa.

Binuksan ko ang pintuan.

"Morning..." Anzai's baritone voice filled my ear.

Iyon ang nagpadilat ng aking mga mata. He flashed his smirk infront of me, nakasimpleng puting cotton tshirt na naman.

Huh? Nasaan si Tobias? Hindi pa gising? Sinilip ko ang kabilang kwarto. Umangat ang dalawa niyang kilay at sinilip narin iyon.

"Katukin ko narin ba?" he said in a friendly way.

Kung makapagsalita ito akala mo hindi siya nakipagsuntukan kagabi. Or maybe he really meant what he said last night. Kaso si Anzai kasi ito... Napakahirap talagang paniwalaan.

Hindi niya na hinintay ang aking sagot at nagtungo na roon. Kumatok lang siya ng tatlong beses saka namulsa at muling naglakad patungo sa akin.

"Nasa baba na iyong si Patpat," aniya.

"Potpot, hindi Patpat," sabi ko at bumalik sa loob ng aking kwarto para kunin iyong biling vitamins para sa kanyang ina.

"Oh... Patpatin eh," narinig kong sabi niya.

Ngumiwi ako sa kanya at lumabas na sa aking kwarto. Isinara ko ang pinto at naglakad na patungong ibaba. Pumantay naman siya sa akin. I slightly glance on his clean white cotton Tshirt plus black sweatpants. Bagay rin naman pala sa kanya ang kulay puti. He used to wear dark colors. Ngayon ko lang siya napansing nakasimpleng puting tshirt. Pumapanig na sa liwanag ang kampon ni Satanas?

I keep my thoughts with me. Sa hagdan pa lang ay si Potpot agad ang naaninag ko. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik at kumaway sa kanya.

"Oh heto... Katulad ng sabi ko..." Sabay lahad sa kanya noong Vitamins na binili ko.

Namilog ang kanyang mga mata.

"Salamat po, Ate!" Niyakap niya ako sa sobrang saya. Humagikhik ako at sinuklay suklay ang kanyang buhok.

Sabay na umangat ang mga kilay ni Anzai, parang may gustong sabihin ngunit kinikimkim nalang sa kanyang sarili at nagtungo sa coffee maker.

Inasikaso ko naman ang pagkuha ng maiinit na pandesal at inilalagay iyon sa plato. Inilapag ni Anzai sa aking harap ang kape na siya mismo ang nagtimpla.

"Thanks," malamig kong sabi, hindi na siya tiningnan pa.

"Nasaan po si Kuya Tobias, Ate?" tanong ni Potpot, gumagala ang mga mata.

"Tulog pa ata. Masakit ang katawan noon," sabi ko at dumako ang tingin sa paglalapag ni Anzai ng tasa sa harap ni Potpot.

Tiningnan din iyon ni Potpot.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon