4th Gripped

94.1K 2.5K 1K
                                    

No One

Pagkauwi namin ni Kuya, bumungad agad sa sala sina Daddy, Mommy at Kuya Blue. Tingin palang nila, napayuko agad ako.

"Umupo ka rito," ani Dad at tinutukoy ang sofa.

Nagtungo ako roon at umupo. Tinabihan rin naman ako ni Mommy at pinisil ang kamay kong nasa aking kandungan kaya tiningala ko siya. She smiled at me.

"Saan mo nahanap?" tanong ni Kuya Blue.

Napatingin agad ako kay Kuya Red na hinaplos ang batok.

"Nasa rides sila ng mga kaibigan niya," ani Kuya, kalmado lamang iyong sinabi.

Lumunok ako at pinisil ang aking mga daliri. Hawak naman ni Mommy ang aking pulso.

"Ba't hindi ka nagpaalam Brielle?" tanong ni Daddy na nakahalukipkip na sa aking harap at seryoso na ang timbre ng kanyang boses.

"N-Nagpaalam ako pero hindi ka naman pumayag," sagot ko sa mahinang boses.

"See? I told you to let her!" si Mommy sa matigas na boses.

"Hindi ako pumayag dahil gabing gabi na ang 10PM," si Dad sa marahang boses.

"Dad... Gabi naman talaga iyon," si Kuya Red naman.

"Sino bang nagsasabing umaga iyon Red?" si Kuya Blue na bahagyang natawa.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at sumimangot.

"Ang sabi niyo sa akin pag legal age na ako ay pwede na akong lumabas. I'm already a college student! Hindi na highschool! Eh ba't hindi pa rin pwede? Si Zera nga nakakalabas naman ah! Ba't ako hindi pwede?"

Binasa ni Dad ang labi. Sina Kuya naman ay natutop ang bibig at nakay Dad narin ang mga mata.

"Scammer ka pala eh," ani Mommy kay Dad.

Tiningnan siya saglit ni Daddy at may sasabihin sana nang naunahan ni Kuya Red.

"Pwede ko namang samahan si Elle, Dad... Kawawa nga rin naman kung ikukulong lang natin siya rito sa bahay. Baka nabobored na iyan..." aniya.

"Kinukulong ba si Elle? Nakakalabas iyan," si Kuya Blue naman.

"Iyong katulad kay Zera ang gusto ko! Nakakalabas siya tuwing gabi at pwede na siya hanggang 10PM!" giit ko.

Bumuntong ng hininga si Daddy. Si Mommy naman ay nasa likod ko na ang isang kamay at hinaplos ako roon, naninimbang din ang mga mata kay Daddy na ngayon ay nakapameywang na.

"I'll let you if you're with your cousin Zera," ani Dad na agad kong ikinabusangot.

"Pero may mga sariling lakad si Zera na hindi ako kasama. She's close with Irah..." Yumuko ako at humalukipkip. "Ayaw niya akong sinasama kaya sumasama nalang ako sa mga friends ko."

Ilang sigundo silang hindi nakaimik.

Yumuko si Daddy hanggang sa makalebel ko na ito. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin.

"Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa'yo, Elle. I am just worried..." Namungay ang mga mata niya sa akin.

Ngumuso ako at nilingon si Mommy na nakangiti narin pero halata ring sang-ayon kay Daddy. Si Kuya Red ang nag-iwas ng tingin habang si Kuya Blue ay tumango-tango naman.

"Pero ayoko rin namang nalulungkot ka rito. Ayokong nagseselos ka sa pinsan mo at pakiramdam mo ay pinagbabawalan ka namin sa mga gusto mo. I forgot you're not a kid anymore... Na dalaga na ang baby namin..." Daddy smiled at me.

Isinandal ni Mommy ang ulo niya sa kanyang balikat at niyakap ako sa gilid.

"Dalaga na nga siya. Baka nga ay may boyfriend na ito at-"

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon