30th Gripped

94.2K 2.5K 801
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Xhaniah Marie Delion. Happy reading!
----------

Heartless

Napagdesisyunan kong hindi icheck ang aking cellphone sa Summer na iyon. Pwede naman siyang pumunta rito nang hindi ako tinitext ah? Naisip ko rin, kung may balak talaga siya ay maghahanap siya ng paraan para makausap ako lalo na't nakahalata na siguro iyon na hindi man lang ako nagrereply.

I want to see him make an effort. If a person wants you in his life, he'll make an effort.

I held my pride with me. Inakyat namin ang pinakamataas na bundok para lang hindi lumagapak at magpakaalipin ulit sa nararamdaman ko para sa kanya. Nanatili ako sa bahay, hindi gumagala gala, nilibang sa ibang bagay ang sarili at araw araw ay naghihintay sa taong ni anino ay hindi talaga nagpakita.

Maybe I trusted him too much? Maybe just like Ken who got fooled, who lost his precious someone, ay ganoon din ang bagsak ko?

Iyon ang ipinagluksa namin noong Summer na iyon. Knowing Ken... Siya ang pinsan ko na hindi marunong magalit at palagi lamang masaya. Pero sa araw na iyon, nakita ko kung paano siya dinurog ng pagmamahal. Nakita ko kung paano bumuhos ang kanyang mga luha at nagmakaawa na sana ay ibalik ang nawala sa kanya.

Napagtanto ko na ganoon nga siguro ang pagmamahal. Hindi ka nananalo basta basta. Kahit gaano mo pa kagaling, kahit anong pag-iingat, sa huli ay masasaktan ka rin.

Nawalan ako ng gana at pag-asa sa amin ni Haze. Baka nga sa huli ay mamamatay rin ang pag-ibig na binuhay namin sa isa't isa. Sa huli ay hindi naman talaga iyon para sa aming dalawa. Pero bakit? Bakit ganito? Kahit kaonti man lang sana ay bigyan kami ng tsansa na maging masaya ulit. Ayoko sa ganitong pakiramdam. Ayokong pinapatay ako ng kalungkutan.

But do I have a choice? Ayoko namang ipilit at magmakaawa sa isang bagay na hindi pala talaga para sa akin. My young heart is still ignorant and I am so foolish for gripping on something foreign to me. Pinanghawakan ko agad ang mga salitang hindi ko naman alam kung totoo ba o puro kasinungalingan lang pala.

Natapos ang summer. Pilit ko nalang ibinabalik ang dating sigla. Nagpalit ako ng number kaya sobrang tahimik narin ng aking cellphone. Minsan pag mag-isa, bigla bigla nalang akong naiiyak.

Ang daya naman! Bakit may mga taong iiwanan ka na nga, nag-iiwan pa ng masasayang alaala! Hindi ba pwedeng umalis nalang kasama ang lahat ng iyon para wala nang babalikan pa? Napakadaya talaga! Minsan tanggap ko na hindi nga siguro para sa aking lahat ng ito pero madalas ay hinihiling ko na sana ay para nalang sa akin ang lahat.

"At sino ngayon ang mukhang naloko?" Ngumisi si Kiera sa akin nang madatnan niya akong tulala sa bench sa hapon ng Lunes na iyon.

Kumurap ako at natauhan. Nagpanggap agad akong hindi ko siya narinig at pasimpleng inilabas ang aking cellphone.

"I told you, Brielle. Haze isn't serious. Tingin mo seseryosohin niya ang kagaya mo?" Tumawa siya at nailing.

Hindi ako umimik at nagkunwari nalang na nasa cellphone ang buong atensyon. Ayokong may sabihin dahil tama rin naman siya. Nabigo ako. Ipinaglaban ko ang mali kong pananaw sa pag-ibig.

Minsan ay nakikihalubilo naman ako kina Penny at Lexy, pero minsan ay mag-isa lang rin ako lalo na't ayoko naring makihalo lalo na kung nariyan si Kiera. We're not in good terms. Mas lumawak ang kanyang squad. Ang rami niyang friends na mga elite. Nangrerecruit na akala mo ay may ikakabuga kahit wala naman.

At least I'm not one of them anymore. Sa wakas at nakakahinga na ako ng malaya hindi iyong nakakalanghap ako ng toxic na hangin sa paligid. She's not even a loss.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon