The Untold Part

117K 2.5K 1.4K
                                    

Gripped

Anzai Haze  Castellano

"Damn you for cheating! At talagang inanakan mo pa talaga ang kabit mo?!"

Nakarinig ako ang nakakabinging ingay ng mga basag na gamit sa kuwarto ng aking mga magulang.

I was just five when I found out my father cheated with my mother. Hindi lamang iyon, nagbunga ang kasalanan at may anak ito sa labas.

"Damn you, Martin! Mapapatay ko talaga ang kabit mo!" sigaw ng aking ina, naghahalo ang galit at iyak sa kanyang boses.

Namulsa ako at hindi naituloy ang pagbaba para pumunta sa kusina. Sumandal ako sa pader habang seryosong nakikinig sa ingay na nanggagaling sa bukas na pintuan.

"I gave you everything! Lahat lahat! Bakit mo ito nagawa sa akin?" My mother's weak voice echoed. Paos na paos na iyon kakasigaw na ikinadurog ng puso ko.

"Lucinda, we both know why we marry each other. Alam mong dahil lamang iyon sa kasunduan ng ating mga pamilya, hindi ba?" matabang ang boses ni Papa, tila hindi man lang nagsisisi sa ginawa.

"I fell inlove with Irish-"

Nakarinig ako ng malakas na sampal.

"I love her," dugtong ng matapang kong ama at muling umalingawngaw ang isa pang sampal.

"Tss..." I scoffed. Love, huh? What is this thing? Why does it sounds disgusting to me knowing he hurt my mother because of loving someone else.

Sa gabing iyon, marami akong naisip tungkol sa salitang pagmamahal. Fuck it. Iniisip ko pa lang ay naduduwal na ako. I promise to myself I will never fall inlove with someone else if I grow up. I don't want to be like my father who fell inlove and hurt his wife.

Pwede rin naman sigurong ikasal ng hindi naiinlove, hindi ba?

Simula noong araw na iyon ay nag-iba na si Mama. Mas naging focus siya sa negosyo at palagi niya akong pinapangaralan ng kung ano ano.

"Listen, Anzai... Ikaw lamang ang tagapagmana at wala ng iba pa. Palalakihin mo ang ating kompanya at hindi tayo maaapi nino man kung dadating man ang araw na mamimili ang Daddy mo at hindi na tayo kasama roon. I want you to be stronger. Gusto kong ikaw ang mamahala ng Castellano Shipping Lines. Do you understand?"

Tumango ako. Sa edad na limang taong gulang, alam ko na agad ang responsibilidad ko. Araw araw ay iyon ang sinasabi ni Mama sa akin, na baka darating ang araw na may makikihati at mas papaboran ni Papa. Baka dumating ang araw na may lumutang na isa pang tagapagmana at agawin sa amin ang lahat.

Ayokong maagawan. Ayokong dumating ang araw na iyon. I was mad with my father and I hated him for hurting my own mother, for cheating.

"Sir! Hinagis po ni Anzai ang laptop sa mukha ko! Ayaw niya raw pong mag-aral!"

Ang umiiyak na tutor ko ang nagsumbong sa kakarating ko lang na ama galing trabaho. Yumuko ako sa railings ng aming hagdan at pinanood ang kawawang babaeng takot na takot sa akin.

My father with a tired expression looked up and stared at me coldly. Binigyan ko siya ng higit pa roon at tiningnan ito ng mas matalim pa. This cheater...

"Pasensya na..." ani Papa at may dinukot sa kanyang bulsa. "Sana ay kaya mo pang magtiis ng ilan pang buwan..."

Money can really control everything. Iyon agad ang tumatak sa aking isipan habang bata pa ako. My father doesn't care with my rude behavior. Pinapalampas niya lamang ang lahat ng iyon.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon