50th Gripped

117K 2.8K 1.1K
                                    

Gripped

Matured

Nakaidlip ako ng ilang oras sa gitna ng byahe. Noong dumaong na ang barko ay nagising akong muli. Inalala ko na naman ang sinabi ni Anzai sa akin. I remembered his mother. Ang tingin niyang may pagkadismaya sa akin ay hinding hindi ko makakalimutan. It's like she dislikes me.

Ang rami rami kong naiisip na mga posibilidad na maaaring mangyari sa binabalak niyang ipapakilala niya ako sa kanyang parents.

Nakakaintimidate na nga ang kanyang Mommy, paano nalang ang kanyang Daddy na produkto lamang si Anzai? He's the real beast for sure... Baka makakaharap ko ang future Anzai pero matandang version lamang.

Nabawasan ang pangamba ko sa mangyayari pag-uwi dahil doon. Will her mother like me this time? Ilang taon narin naman ang lumipas. Baka nga hindi niya narin ako maalala dahil tumanda na iyon. Or maybe she still remember me pero dahil sa kanyang anak ay matatanggap niya na ako.

I hope so? But I am not going to back down just because she doesn't like me for his son. Ang rami rami na naming hinarap and I almost face death. Dito pa ba ako matatakot?

Nakaconvoy nalang kami sa naunang kotse kung nasaan sina Tobias, B1, B2 at B3. Malapit na kami sa mansyon. I think they're all there...

"You're silent." Hinuli ni Haze ang kamay ko sa aking kandungan.

Nilingon ko siya. He doesn't look scared... or bothered. Parang normal lang sa kanya ang lahat na akala mo ay mga kaibigan niya lamang ang kanyang makikita.

"Your mom is quite strict..." Pinaglaruan ko ang daliri niya nang ipinahinga niya rin ang kanyang kamay sa aking kandungan.

"Is she?"

"Yes!" giit ko at nanliit ang mga mata. "Remember? She told me you got high standards with girls... Nagpaparinig ata siya sa akin."

He chuckled. "And you answered her you got high standards with boys, too..."

"Dahil totoo naman talaga." Umirap ako.

"I know since I'm not a typical boy, Elliana. Dapat lang na ganyan kataas ang standards mo nang ako lang ang makapasa."

What the. Noong tingnan ko siya ay nakasmirk na ang mokong. Kahit totoo naman, gusto kong ipakita sa kanyang hindi ako sang-ayon kaya umismid ako.

Medyo nadistract ako sa aming usapan. Nakalimutan ko ang pinag-iisip ko kanina at bumalik lang din noong pumapasok na ang kotse sa pamilyar na malaking gate ng aming bahay. This is it... Whatever happens... I'll stand with my decision. Paninindigan ko ito hanggang dulo.

Naunang bumaba ang mga bodyguard, ganoon din si Tobias na sumulyap pa sa tinted na kotse ni Anzai. Kinalas ko ang seatbelt, ganoon din siya. Pinatay niya na ang kotse at naunang lumabas.

Umikot si Anzai habang ako naman ay inaayos ang aking sarili sa loob. Ang tanging nasa bulwagan ay ang aming mga maid na nakaabang sa aming pagdating.

Binuksan ni Anzai ang pinto at inalalayan akong lumabas. Sumulyap naman ako kina B3 na pinaghahakot na ang aking mga gamit papasok at sinalubong sina ng mga kasambahay para tumulong.

Ang madilim na ekspresyon ni Tobias ang sumalubong sa akin noong hanapin ko ang kanyang mga mata. He seemed upset and cold at the same time. He's the stranger kind of Tobias I first met...

Naramdaman ko ang kamay ni Anzai sa aking likod at kung paano iyon dumaosdos sa aking beywang. Nilingon ko siya.

"Medyo malaki rin pala ang bahay niyo," aniya sa baritonong boses, ang mga mata ay nasa kabuuan ng aming bahay.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon