43rd Gripped

93.2K 2.4K 977
                                    

Gripped

Napakayabang!

Noong makahanap ng tyempo na makatakas sa kanyang mga kamay ay mabilis na akong lumangoy pabalik sa dalampasigan. Tobias watched me seriously as I stood and went to him.

Basang basa ako, ang buo kong katawan na kahit ang aking buhok ay piniga ko nalang.

"Nakakainis si Landon!" Umirap ako, gustong itago ang kaba na naramdaman ko noon at manaig ulit ang tapang sa akin.

"Change your clothes so you can eat your breakfast," malamig na sabi ni Tobias, nakatitig sa basa kong damit.

Tumango ako at ngumiti, nilagpasan narin ito. Pumasok ako habang iniisip ang pagiging malamig ni Tobias sa akin. He's been like that these days. Parang may mga oras na bigla bigla siyang bumabalik sa dating siya, iyong malamig at suplado.

Nagloosen ang aking balikat noong makapasok na ako sa aking kwarto. Natulala ako saglit. I should think about this seriously... I am hurting Tobias. Kahit hindi niya isaboses, alam kong nagseselos siya kay Haze, at ganoon rin naman si Anzai sa kanya.

Totoo rin naman iyong sinabi ko. Pag kay Anzai ay palaging sobra, palaging umaapaw. Parang hindi ko mapigilan at kahit ay puno na ay wala paring tigil. Hindi katulad kay Tobias na nakokontento ako. Parang isang timpla na sakto lang na hindi ka mabubusog ng husto.

And you think that's enough, Elle? Yes. That's enough. Ang sabi pa naman nila ay nakakasama iyong sobra. Nakakasama si Anzai sa akin.

Bumuntong ako ng hininga at pinilig ang aking ulo para matigil ako sa pakikipagdebate roon. I'll still think about it. Pero may naiisip na akong plano.

Nagbihis ako ng komportableng dress.

Napunta ang aking mga mata sa high windows habang bumababa ako sa hagdan. Nakita ko ang imahe ni Tobias sa labas, nakaupo doon sa lilim ng puno at naninigarilyo. Bakit bumalik ulit siya riyan? Ilang buwan niya na kasi iyang inihinto at hindi ko na siya namamataang humihithit ng sigarilyo. Ano bang nakukuha nila riyan bukod sa lung cancer?

Hindi na ako lumabas at nagtungo nalang sa kusina. Ayoko rin siyang disturbuhin dahil mukhang gusto niyang mapag-isa roon. Pagkapasok ko, si Anzai ang nadatnan kong kakain din ata dahil may hawak pang plato at nilalagyan ng ulam iyon, ang kanyang bibig ay may kagat kagat pang isang loaf bread.

Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin. He's topless at pansin na pansin pa ang v-line sa parteng abdomen! Kailangan niya ba talagang ibalandra iyang matigas at well-toned niyang katawan?

Nagtungo siya sa mesa at inilapag ang plato. Kinuha niya ang loaf bread na may malaki nang kagat at ngumuya. He even offered the half of it!

"Gusto mo?"

Umirap ako sa kanya at binuksan iyong takip na inihanda ni Tobias para sa akin. Umupo ako, hindi na ito nilingon na umangat pa ang dalawang kilay.

Kumuha siya ng kubyertos at ibinigay sa akin ang isang pares ng kutsara at tinidor. Tahimik ko nalang iyong kinuha at pinagtuunan ng pansin ang nakahanda kong pagkain.

Nagtungo siyang muli sa loob ng ref at kumuha roon ng isang pitsel ng orange juice. Kumuha rin siya ng mataas na baso at lumapit na sa akin.

Inilapag niya sa tabi ng aking plato iyong baso at sinalinan niya ng juice. Ginalaw ko naman ang aking pagkain, gusto siyang baliwalain kahit naaamoy ko ang kanyang showergel na kumakalat sa kabuuan ng kusina.

Umupo siya sa aking tabi pagkatapos iyong gawin. He even fixed his disheveled hair. Basa parin iyon pero mukhang malapit nang matuyo.

Sumubo ako at tumingin sa ibang direksyon para hindi ko siya nakikita sa gilid ng aking mga mata. Narinig ko naman ang paggalaw niya ng kanyang pagkain dahil sa ingay ng mga kubyertos.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon