17th Gripped

98.9K 3.9K 3.4K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to JelsenLeila Legazpi. Happy reading!
----------

Demon

Pagkatapos ng isang buwang bakasyon sa America ay nagpasya rin naman kaming umuwi. Naging maganda naman ang mga araw namin doon. Nagshopping, nakipagbonding kina Lolo at Lola, nagbeach, at kung anu-ano pa. Sinulit namin ang bawat araw namin doon kaya noong umuwi ay ramdam ko rin ang pagod sa byahe.

"Here!" Ibinigay ko kay Zera ang nabili kong pasalubong sa kanya sa umaga ng Sabadong iyon.

Napatingin siya sa inilahad kong paperbag. Ngumisi ako sa kanya. Binitiwan niya ang hawak na cellphone at kinuha na iyon sa akin.

Tumabi ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan ang pagmamadali ng kamay niyang buksan iyon.

"This is a nice top. Thanks," aniya nang makit ang loob at kinuha ang isang sleeveless top.

"You like it?" tanong ko habang pinapanood siyang tinatapat na iyon sa kanyang katawan.

Tumango siya, ang labi ay kumurba ng tipid. Humagikhik ako.

"How about mine?" Ang kabababa lang na si Kuya Hiro iyon, humihikab pa suot ang sleeveless shirt, nakashorts at indoor slipper.

"I think Kuya Blue bought some shoes for you, Kuya Hiro," sabi ko.

Umangat ang dalawa niyang kilay at dinukot agad sa suot na short ang kanyang cellphone. May kung sino siyang tinawagan, ang isa namang kamay ay hinawak-hawakan ang kanyang kamay.

"Nasaan ang pasalubong ko? Ihatid mo rito," utos niya roon sa kabilang linya, mukhang kausap na si Kuya.

Pinatayan niya agad ito ng tawag at sumulyap sa top na binili ko para kay Zera.

Bumili rin naman ako ng mga pasalubong kina Penny. Nagkita kaming apat sa isang cafe. Kasama ko si Zera pero nasa kabilang table siya at inienjoy ang kanyang slice of cake at kape, habang naka glasses pa suot ang top na binigay ko na pinaresan niya ng shorts short, at busy sa kanyang cellphone.

Sumama siya sa akin dahil mamimili rin kami maya-maya ng gamit para sa nalalapit na pasukan.

"This is so cute, Brielle! Thank you so much!" Lumiwanag ang mukha ni Penny nang tingnan ang mamahaling mini backpack na binili ko para sa kanya.

Mahilig kasi siya sa ganoon. May mga collection siya ng iba't ibang bag kaya hindi ako nahirapang mag-isip kung ano ang ibibigay sa kanya.

"OMG! This is so elegant! Thank you!" si Lexy naman na malawak ang ngisi sa bracelet. Kung dito iyan sa Pilipinas bibilhin, siguro ay nasa mga 5k ata.

I smiled at her too at itinuon ang tingin kay Kiera na binubuksan palang ang paperbag. She loves stilletos. Kabisado ko naman ang kanyang size.

Inilabas niya ang box at nahulaan agad ng dalawa ang laman noon dahil sa paghahagikhikan.

"You're going to love that," sabi ko.

Sumulyap siya sa akin saglit sabay bukas noon. Kumurap siya at kinuha ang isang pares ng stilletos.

"Ang ganda!" si Penny iyon na kinuha narin ang isang pares.

Kinilatis iyong mabuti ni Kiera. Yumuko pa siya at hinubad ang suot na flats saka niya iyon isinukat.

Tiningnan din naming tatlo ang kanyang paa at bagay na bagay nga sa kanya iyong kulay nude na strap noon. Maputi siya kaya hindi mahirap maghanap ng babagay sa kanyang skin tone.

"Did you like it?" tanong ko habang naroon ang kanyang mga mata at tinitingnan ang bawat anggulo noon.

"Hmm... Okay narin... But I think it's better if the color is silver or gold," aniya.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon