46th Gripped

103K 2.6K 507
                                    

Gripped

Hell

Bago pa kami maghalikan ay may kumatok na sa aking kwarto. It made me jump. Mabilis ko siyang itinulak. Napaatras si Anzai, nakasimangot at mukhang nabibitin lalo na't nakaawang pa ang namumulang labi.

Tumayo ako at mabilis na inayos ang sarili. Is it Tobias? Pero hindi iyon kumakatok ng ganitong oras ah?

Pinihit ko iyon pabukas at sinilip ang labas. Si Aling Honey agad ang nakita ko, nakangiti at hawak ang cellphone.

"Buti at gising ka pa... Tumatawag ang Mommy mo," sabi niya.

"Sige po... Salamat Aling Honey." Kinuha ko sa kanya ang cellphone.

Tumango naman ito at nagpaalam ring bumaba na. Tumikhim ako at kinuha ang isang roba para bumaba at makakalap ng mas magandang signal. Sinundan naman ako ni Anzai ng tingin.

"Mommy called... Lalabas lang ako," sabi ko at ipinakita sa kanya ang cellphone.

Tumayo rin naman siya, mukhang handa naring sumama sa akin lalo na't namulsa na habang ang isang kamay ay inaayos ang medyo nagulong buhok.

"Sasama ako."

Tinitigan ko muna siya ng ilang sigundo. Noong nakumbinsi rin naman ay tumango na lamang at nauna akong lumabas ng kwarto.

Naglakad lakad ako sa dalampasigan. Medyo madilim na sa parteng kakahuyan. Kung meron mang ilaw ay nanggagaling lamang sa Resthouse at sa buwan. Tumigil lamang ako noong nag ring na ulit ang cellphone.

Sinagot ko agad ang tawag ni Mommy at humarap sa karagatan, yakap yakap ang aking sarili lalo na't umiihip ang malamig na hangin.

"Mommy?" tawag ko sa marahang boses.

"Baby? Buti at gising ka pa..." ani Mommy sa kabilang linya at mukhang kasama rin si Dad lalo na't naririnig ko ang boses nito.

Ang sarap sabihing may pumapasok sa kwarto ko kaya hindi agad ako nakakatulog pero binalewala ko na lamang iyon lalo na't mas kinuha ang aking pansin ng mainit na yakap na galing sa likuran.

Anzai placed his chin on my shoulder. Lumunok ako lalo na't kumakalabog ang aking dibdib na kahit hindi naman maririnig sa kabilang linya at makikita ay kinakabahan parin ako.

"Ah... Yes po. Kumusta kayo, Mommy? Sina Kuya?"

"They're fine and we missed you so much... Gusto lang talaga kitang kumustahin. I missed you, Elle... Are you fine? Hindi ka nalulungkot? I hope you're fine, baby..."

Anzai squeezed me. Masarap sa pakiramdam ang yakap niya lalo na't hindi ko na alintana ang lamig.

"I'm fine Mommy. Don't worry... I missed you... And Daddy... Lahat kayo," sabi ko.

Anzai kissed my shoulder. Nilingon ko siya dahil doon. He's so warm.

"Wala pa kaming natatanggap na balitang ikinasal na si Anzai. The Castellanos are silent about it... It's not yet safe to come home, Elle... Baka ikaw lamang ang hinihintay nilang magpakita. We can't risk your life... Mas mabuting nariyan ka nalang dahil alam naming safe ka naman kaysa rito," si Mommy sa malungkot na boses.

Mukhang narinig din iyon ni Anzai lalo na't malapit lamang siya sa cellphone.

"Okay lang Mommy. Kaya ko pa naman. Ayaw ko naring bigyan kayo ng alalahanin pag naulit ulit ang nangyari noon. I know you're all doing this for me... Thank you so much..."

She chuckled, na kahit si Daddy ay narinig ko rin ang marahang tawa na tila natutuwa.

"Our angel..." si Daddy iyon.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon