E P I L O G U E

228K 4.8K 2.3K
                                    

Gripped

You are at the end of the story! Thank you so much for being patient with Gripped. Alam ko sobrang tagal nito, kumpara sa Lured na one month lang. Ito two months pa ang itinagal pero nakita ko parin kung paano niyo sinupurtahan at minahal ang bawat pahina ng Gripped. Nagpapasalamat ako ng sobra sa ibinubuhos niyong oras at paghihintay ng mga updates ko. Thank you for your warm support, stubborn readers! I love you all, so much. Happy reading, everyone!
----------------------
Gusto ko ring malaman yung feedbacks niyo sa gripped for my growth and improvement as a writer. Just leave a comment. Thank you.
--------

Grow Old Together

We patiently waited for this... Even my husband, Anzai, alam kong ito rin ang hinihintay niyang araw.

Noong nagpaplano pa lamang kaming ikasal, ang balak talaga namin ay magka baby na. Maybe I got envy since I found out Nana is pregnant. Gusto ko rin sanang magbuntis na noon, lalo na't iyon din ang pinaka gusto ni Anzai.

Iyon nga lang, after what happened, naudlot ang aming balak. Our wedding got move, too. Na sa susunod na lamang na mga buwan imbes sa buwan iyon ng Nobyembre gaganapin, kasabayan sa kasal ng pinsan kong si Ate Chey at Kuya Grey.

"Maybe she's pressured to marry him since after what happened... That's very painful..." ani Zera, nang mapag-usapan namin ang naudlot na kasal ni Kuya Grey at Ate Chey.

Nanatili akong tahimik, mahapdi ang mga mata at hindi maproseso ang lahat sa aking utak habang nasa bahay ng aking parents.

"Kawawa si Kuya Grey. He loves her so much..." dismayadong sabi ni Nana, namumula rin ang ilong at natuyo na lamang ang luha.

My cousin Chey, refused to marry him infront of so many people. She ranaway...

Pumikit ako at bumuhos muli ang aking mga luha. Hindi ko alam kung sino ang kakampihan. They're both my cousin. Nasasaktan ako para kay Ate Chey pero mas nasasaktan ako para kay Kuya Grey.

"Next week rin ang kasal niyo, hindi ba, Elle? Imomove niyo ba o..." si Nana sa naninimbang na boses.

"Imomove namin," bigkas ko sa garalgal na boses.

Tumango sila, na iyon nalang ang dapat na gawin. This is not yet the right month to get married. Papalipasin nalang muna namin ng ilang buwan.

"Kumusta na raw si Grey?" tanong ni Brandish, kasama rin namin dito.

Walang umimik, ni isa. Pagkatapos ng nangyari, sigurado akong durog na durog siya ngayon.

Ilang buwan akong hindi mapakali noon, pilit na lamang naming pinapalipas ang mga araw, ang buwan, para makausad muli.

"We can posponed the wedding next year if you're not still okay with what happened," ani Anzai, nang sunduin niya ako pagkatapos ng isang buwang pamamalagi ko sa amin.

I smiled weakly. Alam kong natatakot siyang matulad kami sa dalawa. We witnessed it.

"I'm fine with May... Since it's your birthmonth." Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

Sa May eleven ang kanyang birthday kaya gusto ko ring ikasal sa mismong buwan na iyon sa kanya dahil isinilang ang taong makakasama ko habangbuhay. I think it's worth to remember...

Anzai stared at me silently. Ngumiti akong muli.

"Pakakasalan kita. Magpapakasal tayong dalawa," paninigurado ko.

His shoulder loosened. Para bang nabibigatan na siya sa kanyang mga iniisip kaya ngayon ay nakakahinga na ng maluwag.

Kaya ngayon na nangyayari na talaga, na isinilang ko na ang una naming anak na lalake ay hindi maitago ni Anzai ang mga luha sa kanyang namumulang mga mata.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon