12th Gripped

97.7K 3.6K 2.1K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Jersey Shayne G. Ramos. Happy reading!
---------

Golf

"Do you know the song entitled Stay by Cueshe?" tanong niya.

"Uh... Old song ba 'yan? Hindi kasi familiar."

"Yes. It's an old song. Iyon lang ang kakantahin ko."

"Okay..." Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita.

Tumikhim siya, hanggang sa nakarinig na ako strum sa kabilang linya. Gusto kong magtanong kung naggigitara ba siya ngayon pero masyado rin namang obvious eh.

Hindi raw gagalingan pero nag-eeffort naman. Hindi ko nalang iyon isinaboses lalo na't nagsisimula na siya at ayaw kong makadisturbo.

"I believe... We shouldn't let the moment pass us by life's too short. We shouldn't wait for the water to run dry..."

Namilog ang aking mga mata sa malamig niyang boses. Parang masyadong effortless ang kanyang pagkakakanta dahil sobrang ganda ng boses na iyon.

"Think about it, 'cause we only have one shot at destiny all I'm asking, could it possibly be you and me?"

Napasinghap ako. Kagat ang pang-ibabang labi ay mabilis akong bumangon sa pagkakahiga dahil pakiramdam ko ay lulubog na ako sa kama, sa lamig at lambot ng kanyang boses.

He's really better than Isaiah, I guess! Narinig ko naman si Isaiah eh pero parang may kakaiba sa boses niya, para iyong nanghehele at nangbibihag. Kung namangha ako kay Isaiah, sa kanya ay parang pati kaluluwa ko ay gusto naring lumabas at makinig sa kanya. Ang boses niya ay tila hinahawakan ang aking puso, halos pigain iyon kaya halos kapusin ako ng hininga.

"So if you'd still go, I'll understand... Would you give me something just to hold on to? And if you'll stay I'll hold your hand... 'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you..."

Sumandal ako sa kama at natulala na lamang. Bakit parang ang galing galing niya naman ata!

"Time has come for us to go our separate ways... God forbid, but my mind is going crazy today..."

"I feel so cold. Feel so numb I'm having nightmares but I'm awake. Help me lord. Fight this loneliness, take this pain away..."

Pumikit ako at dinama nalang ang kanyang boses sa aking tainga, ang pagstrum niya ng gitara na nakakadagdag rin sa kanyang boses. My heart is beating loudly. Para iyong isang drum na hinahampas at nakikipagsabayan din kay Haze. Huminga ako ng mabilis, pakiramdam ko'y tumatakbo talaga ako.

"So if you'd still go, I'll understand... Would you give me something just to hold on to?
And if you'll stay, I'll hold your hand
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you..." masuyo niyang kanta.

"So if you'd still go, I'll understand... Would you give me something just to hold on to?
And if you'll stay, I'll hold your hand... 'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you..." Halos ibulong niya na lamang iyon, ang boses ay mas lalong lumambot dahil sa paghina noon.

"Now that you're gone I'm all alone.... I'm still hoping that you would come back home. Don't care how long, but I'm willing to wait... 'Cause I'm truly, madly, crazily in love with... you..."

Nagloosen ang aking balikat at napadilat. Sapo ang nag-iingay na tibok ng aking dibdib, kinagat ko ang aking labi.

"Can you sing it again? Irerecord ko lang sana," sabi ko agad, masyado nang nakukulangan at gusto nalang pakinggan ang boses niya buong araw.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon