Chapter Four

4.5K 160 3
                                    

Natapos din ang school activities nila at umpisa na ng Christmas break sa school.

Marahan niyang inilapag ang baso ng kape sa mesa at saka wala sa sariling nakatingin lang sa back and forth ticket papuntang Pilipinas na nakapatong sa mesa niya. She sighed. Tinitigan niya ang oras sa wall clock. Six thirty in the morning.

She only slept for two hours last night. Idlip lang. Once she woke up, nahirapan na siyang makatulog muli. So she just ended up practicing the moment she got up at eleven o'clock in the evening hanggang five forty-five ng umaga. Ni hindi niya namalayan ang oras. Kung hindi pa niya narinig ang pag-doorbell ng mail boy sa pintuan niya ay hindi pa sana siya titigil.

Muli siyang napabuntong hininga. She sipped on her coffee without looking away from the tickets. Pagkalapag niya ng baso, dumukwang siya at saka dinampot iyon upang tignan ang oras ng flight.

Twelve twenty bukas ng madaling araw.

Ilang segundo siyang nagisip bago nagdesisyon na ibalik ang ticket sa sobre ng isang nakaipit na papel doon ang biglang nalaglag. Frowning, she picked it up. Ng buksan niya iyon, ang pamilyar na sulat kamay ng kapatid niya ang bumungad sa kanya.

She read it. When she was dobe, marahan niyang ipinatong sa mesa ang sulat. Ilang sandali siyang umupo lang doon. Nagiisip. She looked at her brother's note again and she knew... hindi niya ito mahihindian.

Sighing, she got up and went to her room to pack.

John F. Kennedy International Airport

Pagkahatid ng taxi sa kanya sa airport ay agad siyang dumiretso sa ticket counter upang i-check in ang luggage na dala eksaktong isang oras bago ang kanyang flight.

Matapos ibigay ng agent ang boarding pass niya at ilagay ang luggage niya sa conveyer ay agad na siyang nagtungo for security check. Once on the airside area, she settled herself on one of the seats there while listening to Bach through her earphones at habang naghihintay na din ng announcement for boarding.

Once on board, agad na siyang umupo doon at pumikit. Nasa tenga pa rin niya ang earphones. Bach still playing in her ears. Napamulagat lang siya ng may kung anong tumama sa tuhod niya. Pag-angat niya ng tingin, hindi niya napigilan ang gulat.

"Fancy meeting you here, Beethoven."

She rolled her eyes. God.. what are the odds?

"Oh don't be like that. Kung dahil pa din ito sa nangyari noong isang araw, well I'm sorry, okay?"

Hindi niya ito pinansin at basta na lang pumikit. She heard him shuffle beside her. Probably settling himself on his seat. At dahil pangdalawahan lang ang upuan nila, malamang, magtatabi talaga sila. And it will be a freaking nine hour flight to Taipei! Just her luck! Sana lang ay hindi na niya ito makatabi pag nagboard ulit bukas sa Taipei papuntang Pilipinas.

"Oy, kausapin mo naman ako oh.."

Pero hindi niya talaga ito pinansin. She crossed her arms over her chest and focussed on Bach playing on her ears.

Katahimikan. Akala niya ay tinigilan na siya nito pero laking gulat na lang niya sa biglang paghatak nito sa earphone niya sa kanang tenga.

"What the hell?!" She hissed at him.

"You're cursing but at least you're now talking to me." He smirk.

"Why don't you just leave me the hell alone?"

"I will, after you listen. Now kung ayaw mo, ikaw din. A nine hour flight is quite long." He threatened.

Asshole. Gusto niyang isagot pero pinigilan niya ang sarili.

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang