Chapter Nine

4.1K 146 0
                                    

Sunod sunod na katok ang nagpagising sa kanya kinabukasan.

"Ayen, nandiyan sa baba si Lucas. Bumangon ka na."

Napaungol siya bago tumihaya sa kama. "This early in the morning..?" Napuyat pa naman siya kagabi kaka video call kay Brooke.

"Mag-agahan muna kayo bago kayo umalis." Sabi ni yaya Flora bago niya narinig ang papalayong yabag nito.

"But I didn't even agree yet." Bumangon siya sa kama at saka tinungo ang banyo.

She changed into a balack pants paired with white shirt and black converse shoes. Naglagay siya ng kaunting pulbo sa mukha at lip gloss sa labi bago isinukbit ang maliit na bag sa katawan. Paalis na siya ng dumako ang tingin niya sa itim na kahita na nasa ibabaw ng dresser niya.

Wala sa sariling kinuha niya iyon at saka binuksan. Tumambad sa kanya ang isang silver musical note pendant. Hinaplos niya iyon gamit ang daliri. It's simple yet beautiful.

Sinara niya ang box at saka ibinalik sa kanyang drawer. Yes it's beautiful but she won't wear it. When she will, that's the time she have already forgiven her father.

Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya si Lucas na tinitignan ang mga letrato at awards niya na nakasabit sa wall. Ang iba ay nakapatong sa isang antique na wooden shelf.

"You got here early." Kuha niya sa atensyon nito.

He looked at her and smiled. "Good morning to you too, Beethoven."

Hindi niya pinansin ang pagbati nito, "Hindi pa ako pumapayag na sumama sa iyo sa pamamasyal."

Bilang sagot, tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Seeing your attire today, I beg to differ."

Umingos siya. "Sasamahan lang kita ngayon dahil ginawan mo ako ng favor kahapon."

Doon kumunot ang noo nito. "Favor? I don't think I'm aware of the favor you're talking about."

Hindi niya ito pinansin at nagtuloy tuloy na sa dining area.

"Teka lang, Cayenne. Anong favor ba yun ha?" Anito na sinundan siya hanggang sa dining. "Ano?" Pangungulit pa nito.

Naaalibadbarang tinitigan niya ito. The favor I'm talking about was when you saved me from Pearl's group yesterday. Pero iba ang lumabas sa bibig niya.

"You agreed to become my accompanist yesterday and for that, sasamahan kita ngayon."

"Ah... iyon lang? Tsk. Maliit na bagay lang naman iyon."

Umangat ang isang kilay niya. "Talaga ba? So cancel na lang natin ang lakad today. Maliit na bagay lang naman pal---"

"Actually, mataas ang talent fee ko. Pero para sa iyo, enough na ang pagsama mo sa aking mamasyal today." Putol nito sa kanya bago pumwesto sa katapat niyang upuan. Tinitigan nito ang agahan niya. "What's that?" Turo nito sa gulay na nasa harapan niya.

"Gising gising."

"What?"

Iiling iling na kumuha siya niyon at inilagay sa pinggan. "Ginataang sigarilyas." Sagot niya bago sumubo niyon.

"Masarap?" Curious na curious na tanong nito.

"Oo naman." Lumunok siya. "May hotdog at sunny side up diyan. Iyan na lang ang kainin mo." Wika niya dito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"No. I'll try that green one." Anito bago sumandok ng kanin at gising gising.

Pinanood niya ang reaksyon nito pagkatapos ng unang subo nito.

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Where stories live. Discover now