Chapter Forty one

4.9K 251 21
                                    

"He escaped from prison."

Natigil siya mula sa pag-suot ng kanyang scrub suit ng marinig ang balitang iyon ni Mason. Mahigpit ang naging paghawak niya sa kanyang cellphone.

"When?"

"Last night. They said he was sick. Dadalhin siya dapat sa hospital ng ma-ambush ang sasakyang dala nila. They took him."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.  "He'll go after me."

"Or Cayenne."

Nag-igting ang mga panga niya. "I'll kill him first."

Mason sighed. "Nasaan ba siya ngayon?"

Natigilan siya. "At home. Fuck. May naka-schedule akong operasyon ngayon, I can't leave. Give me two of your best agents, Mason. I can't leave Cayenne alone without a guard!"

"Magpapadala ako ngayon din. But don't you think it's about time you tell her everything? Mahihirapan tayong kumilos kung wala siyang nalalaman. We will need her coorperation with this."

"I'll talk to her tonight."

"You do that."

---------------------------------

"The concerto will  be a couple of months from now, Cayenne. It will be a tribute to the Queen. At ikaw ang napiling tumugtog doon. Fortunately, the Prime Minister attended our last concerto in England and he was impressed by your music! He said and I quote unquote, 'The lady is a natural talent, I'd like to hear more from her'. Girl! He recognized you! This is a big opportunity for your growing career!"

Maluwag ang naging ngiti niya at impit na napasigaw sa ibinalita ni George sa kanya.

"Oh my god! I can't believe it, George!"

Sinabayan ni George ng masayang halakhak ang tawa niya.

"The company will contact you soon. Masyado lang akong naging excited kaya inunahan ko na sila sa pagbalita. Just try to at least sound a bit surprised when you hear the news from them. Para naman hindi halatang alam mo na."

She chuckled. "I will. Don't worry."

"Gosh! I'm so excited for you girl!"

"Me too, George! Me too!"

"Kailangan mo itong paghandaan. Well I know you're a pure talent when it comes to playing your violin, but you still have to be ready. Eh kelan ka nga ba makakabalik dito sa New York?"

She bit her lips. "May isang buwang bakasyon pa naman di ba?"

"Yeah, pero dahil sa paparating na pagtatanghal, baka putulin nila ang bakasyon mo bigla."

Napalabi siya sa tinuran nito. Nag-iisip ng kung ano ang maaaring gawin pag nagkataon.

"Ano ba kasi ang pinagkaka-abalahan mo diyan sa Pilipinas?" Tanong ni George na biglang nagpaputol ng daloy ng isip niya.

"Ah... I'm just visiting my family. Alam mo naman na matagal na simula noong huli akong umuwi, di ba?"

George sighed. "Yeah, matagal na nga. Oh well! Just be prepared to come back once the company contacted you, okay?"

"Okay..."

"And practice while you're there!" Pahabol nito na ikina-iling na lang niya.

"Kelan ba ako tumigil sa pagtugtog?" Natatawang sagot na lamang niya dito. "O siya. Bye na."

"Okay, bye girl!"

Pagkababa niya ng cellphone ay napatingin siya sa brown folder na nasa ibabaw ng bedside table. Nasa folder na iyon ang divorce papers na pirmado na niya. Pirma na lang ni Chase ang kulang doon at makakabalik na siya sa dati niyang buhay sa New York.

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Where stories live. Discover now