Chapter Seventeen

3.3K 172 5
                                    

Mula sa bintana ay nakita niya itong nakaupo sa ilalim ng punong mangga. May pasak pasak na earphones sa tenga. He looks okay now kumpara noong nakaraang araw. Mukhang wala na itong lagnat.

Ang ibang trabahador ay nandito ngayon sa mansyon upang maglinis sa paligid na sinalanta ng bagyo.

"Chase!"

Kumunot ang noo niya ng makita si Rowena na patakbong lumapit kay Chase. Oo nga pala, her mother is here so hindi na nakapagtataka na nandito din siya.

She saw Chase stand and face Rowena. Hindi niya marinig ang pinaguusapan ng mga ito dahil malayo ang distansiya nila pero base sa ngiti ngayon ni Rowena, she gather they are talking about nice things.

She scoffed.

Isinara niya ang kurtina at saka kibit balikat na lumabas sa kanyang kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita niya si yaya Flora na abala na nagtatanggal ng kurtina ng bintana.

"Good morning Ayen! O, bakit nakabusangot ang alaga ko?"

She immediately composed her features. Hindi niya namalayan na nakakunot pala siya.

"Nakapagempake ka na ba para sa medical mission ninyo sa Apayao?"

"Tapos na 'ya."

"Mabuti naman. Bukas ng madaling araw na ang alis ninyo ng dad mo at saka ng kuya mo. Mag-alarm ka."

"Yes, yaya. Anyway, what's for breakfast?" She asked her instead.

"May scrambled eggs diyan. May hotdog at daing na bangus din. Gusto mo bang ipaghanda kita?"

"No need yaya. Ako na lang." Tumalikod siya upang pumunta sa dining table. Tumigil lang siya at muling pumihit kay yaya flora ng may maalala. "Kumain na ba kayo, yaya?"

"Oo, kumain na kami ni manong Dandoy mo."

She bit her lip as she rocked her heels back and forth.

"Lahat ng tao sa bahay yaya kumain na?" Muli niyang tanong.

Tumigil sa pagtatanggal ng kurtina si yaya at saka kunot noong bumaling sa kanya. She gave her an uncomfortable stare.

"I-I mean yung mga trabahador, yaya. I saw them outside that's why I'm asking."

She looked at her for a moment bago muling bumaling sa kurtina.

"Oo kumain na ang mga iyon."

"Ah.. I see." Nakangusong tumalikod siya.

"Si Chase hindi pa kumakain." Anito kapagkuwan.

Mabilis siyang napatigil at napalingon dito.

"Hindi pa? Why?"

"Ewan ko ba sa batang iyon. Inaaya ko naman kanina pero ang sabi ay mauna na lang daw kaming kumain."

Napalabi siya. "But he must eat."

She caught herself when yaya Flora looked at her again. She shrugged nonchalantly.

"It's just that kakawala lang ng lagnat niya hindi ba? Not eating is bad for his health. Pag bumalik ang lagnat niya, we might tell it to kuya Cayden this time." She blurted.

Isang tango ang pinakawalan ni yaya Flora.

"Tama ka hija. Teka lang at tatawagin ko ang batang iyon."

She nodded. "Tell him to join me at the dining." Wika niya bago mabilis na tumalikot.

Lihim sa kaalaman niya, isang ngiti ang pinakawalan ni yaya Flora sa gawi niya bago lumabas ng mansyon.

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Where stories live. Discover now