Chapter Nineteen

3.6K 176 9
                                    

After another thirty minutes, they finally arrived.

Agad nilang tinungo ang bahay ng leader at ng pamilya nito upang mag courtesy.

"Magandang tanghali po." Bati niya kay Apo Lik'Ang at sa asawa nitong si Liding.

"Magangdang tanghali, Ms. Cayenne. Nagagalak kami sa iyong pagbisita kasama ng iyong asawa."

"Ako din po ay natutu--" She stopped short when she realized what the woman said. "P-po?"

"Natutuwa kaming malaman na nakapag-asawa ka na." Tuwang tuwang wika ni Liding. Ang mga mata'y nakatutok sa kamay nila ni Chase na magkahugpong. Walang sabi sabing tinanggal niya ang kamay niyang hawak hawak nito.

"Asawa?" Chase chose that moment to ask her.

"Don't mind them." Sagot niya dito bago binalingan ang mag-asawa. "Nagkakamali po kayo. Hindi po kami mag-asawa."

The woman just gave her a knowing look. "Kapag ang langit ang nagtakda, mangyayari ang dapat na mangyari." Then she gave her a worried look. "Huwag mong sasalungatin ang itinakda, nasa sa iyo kung masasaktan ka o magiging masaya."

Ha? Ano daw?

She saw Apo Lik'Ang hold his wife as if telling her to stop. Ang pag-aalala sa mukha ni Liding ay napalitan na ng isang ngiti. As if she hadn't been scaring the hell out of her a few seconds ago!

"Paniguradong napagod kayo sa byahe. Tayo na at ihahatid ko kayo sa inyong magiging kwarto." Ani ni Apo Lik'Ang bago naglakad papunta sa mga kubo.

Siya na ang humawak sa braso ni Chase upang hindi na nito hawakan pa ang kamay niya. Nakakahiya na din. Everyone is thinking that they're a couple just because they're holding hands. Tsk.

"What did she just say?" Bulong ni Chase sa tabi niya.

Just some random craziness. "Nothing. She's just welcoming us."

"Oh."

"Ito ang magiging kwarto ninyo."

She looked at the hut in front of them. Iisa ang pinto niyon. Isang nagtatakang tingin ang ibinigay niya sa mag-asawa.

"Saan po ang magiging kwarto ni Chase?"

Itinuro ni Apo Lik'Ang ang kubo. "Dito din."

She frowned. Pumanhik siya at saka pumasok sa loob. She looked around her. Mabilis siyang lumabas pagkatapos.

"Pero iisang kwarto lang ang meron sa loob. Iisang kama." Gulat niyang sabi.

Pero imbes na mahiya ang mga ito dahil sa sinabi niya, isang nanguunawang ngiti lamang ang ibinigay ng dalawa sa kanya.

"Ito ang idinidikta ng langit, kaya ito ang nararapat na masunod."

What the actual fuck?

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kayo ay nararapat na magsama. Ito ang takda ng langit."

What?!

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon