Chapter Seven

3.9K 168 2
                                    

Natigil siya sa pagpasok ng dining room kinaumagahan ng makita kung sino ang kaharap ng kuya niya. Gusto sana niyang tumalikod at umalis pero bago pa niya magawa iyon ay nakita na siya ng kanyang kapatid.

"Ayen!"

There is definitely no escaping now.

Kuya Cayden stood up and kissed her in the cheeks. "Happy birthday, little sis." Bati nito sa kanya.

Her father took his time as he slowly stood up and face her. She was taken aback to see the visible crinkles around his eyes when he smiled. He looked older than the last time she saw him. And it's just a year that has passed.

"Happy birthday, hija."

She stiffened.

For many times during her stay in New York, she had imagined this moment to happen many times. And everytime, prinapractice ng utak niya kung paano aakto at kung ano ang isasagot dito... Pero ngayon, tila may kung anong bikig sa lalamunan niya. Suddenly, she couldn't seem to find the words to say..

The atmosphere between them suddenly became awkward. Bakit hindi? He felt like a total stranger.

Her brother was quick to interfere though.

"Manang Flora cooked your favorites! longganisa, fried rice at Danggit na may kasamang sukang Ilocos."

Sa normal na pagkakataon, baka kanina pa siya takam na takam pagkarinig pa lang ng mga pagkaing iyon pero kahit pa gaano pa katakam takam ang mga pagkaing binanggit nito, eating with their father suddenly made her apetite vanished. Ni hindi niya maramdaman ang gutom ngayon. Ang gusto lang niya'y umalis at lumayo mula sa kanilang dito.

"Let's eat?"

Bumalik sa upuan ang mga ito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Sighing, she took a seat across her brother.

"Are you excited for your birthday? Maraming ihahanda sina Manang Flora at Manong Dandoy para mamaya."

"Hindi naman kailangan.." Sagot niya. Nanatili ang mga mata sa pagkain na nasa kanyang pinggan.

"Why not? It's your birthday."

Doon siya nagtaas ng tingin. "And it reminds me of the fact that mom's gone and will never come back to celebrate my birthday with me. So what's the point?" Matalim na wika niya na ikinatahimik ng hapag.

"Hija..."

She scoffed. "Hija? May babaeng anak ka pa pala." Wika niya sa naguuyam na tinig.

"Ayen!" Saway ng kuya niya pero hindi siya nagpatinag.

"What? Totoo naman kuya eh. He was never there during our birthdays. Laging nasa convention o ano! Lagi ng si mommy ang nandiyan para sa mga espesyal na okasyon natin so hindi ko maintindihan kung bakit pa siya nag-eeffort ngayon!" Nilingon niya ang ama nila. "Why? Because mom's gone and you think it's your responsibility now? Tsk! Kung kelan wala na si mommy, gusto mo biglang maging involved sa buhay ko? Well news flash, whatever efforts you're trying to make, hinding hindi niyan mababawasan ang atraso mo kay mommy at sa akin!"

"Ayen, that's enough!"

Marahas siyang tumayo na halos ikinatumba ng upuan niya.

"I'm done." Malamig na turan niya bago tumalikod at naglakad palayo.

"Ayen, come back here!" Sigaw ng kuya niya pero nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad. All the while walang tigil sa pagbagsak ang mga luha niya.

Nagtuloy tuloy siya sa itaas. Kinuha niya ang violin case niya at saka bumaba sa hagdan na nasa may veranda upang umiwas sa kapatid niya.

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora