Chapter Twenty six

3.5K 165 5
                                    

Kinabukasan, nagsabi siya na magpapasama kay Chase na mamili ng pasalubong. Gulat na napatingin ito sa kanya. Even the entire household was surprised when she said it during breakfast.

She just shrugged it off.

Sinabi na lamang niyang kailangan niya ng makakasamang magbibitbit ng mga bibilhin niya. The other reason, she just wanted to have a day with him before she returns to New York tomorrow. But no one needs to know about that, right?

Ginamit nila ang sasakyan ng kuya niya. Siya na din ang nagmaneho. Technically, she shouldn't be driving yet since she's still seventeen. But after pulling a few strings, her brother managed to get her a driving license.

Itinigil niya ang sasakyan malapit sa mga nakahilerang stall na nagbebenta ng mga pasalubong. Holding Chase's hand, she quickly bought gifts for Brooke, Lucas and some of her music teachers. Tahimik lang itong nakasunod sa kanya habang namimili siya.

Minsan, binibitiwan niya ang kamay nito upang kumuha ng pasalubong. At kapag nakakalimutan niyang muling hawakan iyon, ito mismo ang kumukuha sa kamay niya upang hawakan. She would stop for a second and smile at the gesture. Then she'd notice that he's smiling too just like her.

Wala pang isang oras ay bumabalik na sila sa sasakyan. She started the engine.

"You're done?"

"Yup."

"That fast?"

Natawa siya. "We still have places to go so we can't waste time. Saka nabili ko na ang mga dapat kong bilhin." Wika niya bago minaniobra ang sasakyan.

"Where to next?"

She looked at him and then smiled. "Vigan. Sabi ni yaya Flora hindi ka pa daw nakakapunta doon?"

Tumango ito.

"Well, today, we'll gonna visit Vigan."

He looked at her with surprise. "Really? What are we going to do there?"

She shrugged. "Kakain... mamamasyal... bibili ng kung ano ano... anything you want to do." She caught him smile. "Bakit ngingiti ngiti ka diyan?"

"Because it's a date."

Muntik na niyang maapakan ang preno sa narinig. Agad nag-init ang mukha niya.

"It's not a date." Tutol niya pero hindi pa din nawawala ang ngiti nito.

"You can say anything you want. For me, this is a date. Our first date."

Mas lalong naginit ang mukha niya. "B-bahala ka na nga..." Ang nauutal niyang wika.

Ilang oras lang ay nakarating na sila sa Calle Crisologo. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng Cafè Leona. Pinatay niya ang makina at saka ito hinarap. She beamed at him.

"I'm starving. Let's eat?" Wika niya na tinawanan lang nito.

Magkahawak kamay silang pumasok ng restaurant. Iginala niya ang paningin sa paligid. Konti lang ang mga taong kumakain at marami pang bakanteng mesa. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang humahangang tinging ipinupukol ng mga babaeng customers sa gawi ni Chase pagpasok na pagpasok pa lang nila.

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Where stories live. Discover now