Chapter Twenty two

3.4K 242 13
                                    

Alas dos ng hapon ng bumaba sila upang mamasyal sa batis. Kasama nila si Liding at ilan pang mga kababaihan mula sa tribo. Tatlo sa mga iyon ay hindi nalalayo ang edad kay Chase. Napalingon siya sa mga ito. She rolled her eyes when she saw them gushing over him.

"Chase, halika, doon tayo banda sa lilim. Hawakan ko ang kamay mo."

She frowned when she saw one girl hold his hand, steering him to the direction the girl pointed. She pursed her lips. Ewan niya pero tila may bumangong inis sa sistema niya sa nasaksihan.

She stilled when she noticed her foot take a step forward. Mabilis niyang ibinalik ang paa at saka napailing. She's not seriously thinking about marching towards them, is she?

She chuckled to herself. No... of course not...

She'd been avoiding Chase since this morning because she's still a bit uncomfortable with the way her heart got crazy a while ago. She still couldn't understand what the hell just happened back there at breakfast table.

Inalis niya ang tingin sa mga ito bago inilabas ang cellphone. Napaungol siya ng makitang walang masagap na signal ang cellphone niya.

"Walang signal dito."

Napabaling siya sa nagsalita. Namumukhaan niya ito. Kung hindi siya nagkakamali, isa ito sa mga apo ni Liding. Sa tingin niya'y nasa siyam o sampu lang ang edad nito.

"Ano na nga ang pangalan mo?"

"Janine po."

She smiled. "Ako si Cayenne."

Binigyan siya nito ng isang maluwag na ngiti. "Kilala ko po kayo. Lahat po kami sa tribo ay kilala kayo pati na din si kuya Cayden."

"Talaga? Ilang taon ka na?"

"Ten po."

Napatango siya. "Hm... so, Janine... alam mo ba kung saan may signal dito?"

Janine grinned at her. Nakahinga siya ng maluwag ng tumango ito.

"Doon sa itaas ng bato na iyon." Turo nito sa malaking bato sa may gilid ng batis. May mga maliliit na batong nakapalibot dito na pwede niyang sampahan upang maka-akyat sa malaking bato.

"Tara, samahan ko kayo ate."

"Sige. Tara."

Pagdating doon, maingat siyang umapak sa malilit na bato at dahan dahang umakyat patungo sa malaking bato. She was about to help Janine but stopped when she saw her expertly climb the stone herself. Ibinaling na lang niya ang pansin sa kanyang cellphone. Natuwa siya ng makitang may tatlong bar na nasagap ang cellphone niya. Mabilis niyang binuksan ang emails niya. After reading and answering important emails, she proceeded in checking her messages. Ilan sa mga iyon ay galing kay Brooke at ang ilan naman ay kay Lucas. They were asking why she's not picking up their calls. She told them she's in a mountain doing a medical mission with her brother and that there's no signal to do video calls. Kinuhanan niya ng letrato ang paligid at ipinadala sa mga ito upang maniwala ang dalawa. After a few chit chats, they finally conceded.

"Ate."

"Hm?"

"Asawa mo ba si kuya Chase?"

Natigil ang mga daliri niya sa pagtipa. She gave Janine a shocked look.

"H-hindi ah!"

Comrades in Action: Chase Vonn Book 6Where stories live. Discover now