LPP 1 - Leaving on a "Rural Transit"?

2K 67 71
                                    

DAHLY's POV

So sad naman ayaw ko ng ganito, as in ayaw ko nito. It hurts parang mabibiyak ang puso ko. I don't want to say goodbye, "Dennis my loves babalikan kita promise."

Pahalik halik pa ako sa poster ni Dennis Kurama sa wall ko na kulay pink. Akala  n'yo kung ano nah noh?

Yes I'm talking to a poster, poster ni Dennis Kurama ng Ghost Fighter na sobrang crush na crush ko. 

I'm just heartbroken na iiwan ko ang mga posters niya dito, since I am not allowed to bring them kung saan man ako pupunta. Which reminds me, I need to continue packing up na at baka naku! sermon much ang aabutin ko kay pader dear. 

Padabog ako na itinuloy ang pagpack na ng things ko, E bakit naman kasi kailangan kong lumipat sa Davao also? Pwede naman ako dito kay Lola ganda at Lolo cute cute. Hay naku! 

I ran through my checklist at isa isang kinuha ang mga gamit na I need to add sa naimpake ko na. I followed the list religiously, ayaw ko kasi na may makaligtaan ako na importante kaya nga when Dada announced that we are moving to Davao City a week ago, I started making a list of things that I need to bring at dahan dahan ng nag-impake. I don't like working in a rush kasi, di ako yung tipo na ipagpapabukas na lang ang kayang gawin ngayon. I know Filipina ako, pero I don't approve the Mañana or mamaya na habit na uso sa mga pinoy. Blame it sa chinese blood kong halos di na matrace sa katawan ko. Ewan ko ba I blame that bloodline also sa pagiging shorty short short ko hahay!

Pero sad talaga ako, I'm leaving a lot of memories here, a lot of things, mga posters ko na ayaw na ayaw ni Dada dalhin ko with us sa Davao since he wants me to grow up, duh! Oh come on dada, your daughter could grow up without sacrificing the desires of her heart. Hay kaloka! What can I do? I love my dad so sinunod ko na lang.

I looked around my room, one important thing na maiiwan ko here also would be ... the feeling of being in your comfort zone. I feel exposed to the harshness of the real world outside this four walled room of mine as I dwell on the thought na bukas, iiwan ko na ang sanctuary ko. The place where I let my mind wander as I travel to places with the books that I read, ang lugar na walang mga kritikong mga mata na nakatingin sa akin, a place where I can be myself without hesitations and without pretensions. As in parang New York... Concrete Jungle where dreams are made of there's nothing you can't do... New York, wait sa Davao nga pala kami pupunta.

After an hour natapos din ako sa kaeempake, just in time sa favorite anime ko of all time, nagprepare na ako, naghilamos, nagpaganda, nagpabango na animoy may date yun pala manonood lang ng laban ni Dennis at Karasu sa TV. 

Ewan ko ba abnormal nga talaga ako, anime lang naman yun as what others say, pero what can I do? My heart belongs to an anime character to the point na naisumpa ko sa sarili ko na if ever I'll have a hubby na, dapat it should be like him! Smart, handsome, gentleman at etc. kung pwede nga long hair na red isali mo na!

Napaupo na ako sa favorite sitting place ko at nandoon na also si sisterette ko na si Jena.

Ai! I almost forgot, chika ako ng chika ni hindi ko man lang na introduce sarili ko. 

I am Dahly Mae Tiu, an upcoming Junior High School student this school year. Nothing much about me medyo chubby ako, nerd, the  achiever sa family at the Kikay, as in quote and quote Kikay ng Tiu clan! So love it!

Sa right ko naman na sitting so pretty as ever,  is my ever beautiful/ sexy/ Ms. Beauty Queen ng Barangay namin na sisterette/ BFF ko na si Jena Lyn,  2 years lang gap namin pero mas matured pa siya sa lahat ng bagay compared to me.

Hahay! How I wish I was like her, most guy friends ko may gusto sa kanya at dahil nga ate ako sa akin nagpapabango. Medyo may pagkastrikta kasi itong sister ko, not the approachable type kung baga, lalo na if di ka niya talaga feel. Ako naman ang the bungisngis na nerd, na laging lutang ang utak and I don't know why, so ang ending most guy friends ko nakikipagfriends sa akin because of her. So sad di ba? But happy naman ako atleast, I get the chance na kilatisin ko sila noh. Attorney yata ako ng sister ko. Cross examine dito, cross examine doon, kung pwede nga lang iobserve ko pa sila under a microscope ginawa ko na. 

"Ayan na nagsisimula na ang Ghost fighter! HOOO my geeed shesh si Dennis!" Tili naman ako ng tili, kilig much talaga ako pag nakikita ang lovey labs labs ko. Kawawa nga si Jena nabingi na ata at nagkapasa pasa na sa sobrang kilig ko. 
Paalala nga pala, if naging "Fraynds" (friends) tayo, never ever sit beside me pag Ghost fighter o kilig moments ko kawawa ka! Hay naku!

At natapos na rin, the last episode I'll be watching in this city. Goodbye Dennis! Goodbye cruel world!

Echos! ang drama naman as if walang GMA sa Davao, at may mga CD naman or pwede na rin e stream online yung YU YU HAKUSHO. 

Wala lang feel ko lang maging emoterang kokak! Paki niyo buhay ko ito!

Makarecheck na nga sa mga naimpake ko baka may nakalimutan ako. Pumasok na ako sa room ko sabay kuha sa checklist ko. Pasensya na O.C talaga ako lalo na sa pag iimpake ng things. I will recheck them tonight before I sleep and for sure bukas pagkagising ko recheck ko ulit ang things ko. 

Everything is there na, napaupo na ako sa bed ko and tinignan ng sobrang mataimtim ang room ko. I'm gonna miss this room talaga. The curtains na floral design, pink na wallpaper, posters ni Dennis, ang study table ko na may Doraemon shaped na lampshade, ang unan ko na cute bears ang punda. 
It's like leaving a part of me, Yet wala magawa aketch! kaloka!

"I'm leaving on a Rural Transit"  napakanta ako bigla, di talaga bagay kahit anong gawin kong pagfit ng words to the tune of Leaving on a jet plane.

Oh Davao, anong meron ka for me! Scared ako yet I have to face it. Kaya ko toh ajah! Encourage ko sa sarili ko as I slowly drifted off to dreamland...

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon