The date

205 30 22
                                    

PASENSYA NAMAN AT NAGKAPALIT ANG PARTNERS IN CRIME AT THE DATE SA SEQUENCE... ito dapat ang sunod ng partners in crime

LJ's POV

Sweaty na ang palms ko, kinakabahan ako sa gagawin namin, there is a big possibilty na makita kami ni Dahly, patay ako at si Jena pag nagkataon. Nakita na namin yung target namin, isinuot na namin ang cap namin and followed them.

Ang ganda ng bestfriend ko ngayon, blooming na blooming, dalaga niya tignan ngayon dear, naku nahawa na ako sa kakikayan niya. 

marunong din palang mag-ayos na wala masyadong kaartehan si Dahly, she looks so simple pero kikay pa rin. Naglakad na sila papasok sa mall, sumunod kami. 

First stop nila is sa isang toy shop, ai oo nga pala bibili sila ng gift para sa kapatid ni Jason. They look so happy together.

"Lapit pa tayo ng kaunti di natin marinig ang pinag-uusapan nila eh!." nagulat ako ng biglang nagsalita si Jena, Diyos mio marimar kasama ko nga pala siya. 

Ang cute niyang tignan under the cap, nagtama yung mga mata namin, I could see her inhibitions, fears at parang may something na hindi ko mapoint kung ano, siya na ang una nagbaba ng tingin...

Pumasok na rin kami sa toy shop, nagpretend na lang kami ni Jena na naghahanap din ng stuffed toy... 

"Ano ba ang age ng sister mo?" tanong ni Dahly in a serious tone, hay! itong friend ko talaga seryoso much pag may misyon. 

"She is turning 7 na this monday, pasensya ka na Dahly ha, ikaw pa talaga piniperwisyo ko ngayon, parehas kasi kayong kikay eh! "

"Asus ok lang yun ano ka ba?" hampas hampas na ang drama ng dalawa, eto talagang si Dahly brutal kung magmahal. 

"Ay ang cute!" may hawak siyang isang brown puppy stuffed toy na may super puppy eyes na look. Yung parang ang tipong kung totoong aso pa ito at may nagawang kasalanan, you will forgive it, makita mo lang yung eyes niya. May hawak pa na heart na may LOVE ME.

"Gusto mo?" tanong ni Jason... 

"Ah eh..." namula si Dahly, kinuha ni Jason yung puppy. Saka iniwan niya saglit si Dahly, ano yun nang iiwan ng date?  sapakin kaya kita!

Nagkibit balikat na lang si Dahly at nag continue mag search ng gift for the sister. She finally found a cute fluffy pink bunny na may carrot na bitbit. "Ito! bagay ito sa sister niya" proud na proud niyang sabi to no one in particular "nasaan na kaya si Jason?" She said as she hugged the bunny. She raised her head and let her eyes wander kung nasaan na si Jason.

"Sir may maitutulong ba ako sa inyo?" nagulat ako ng may biglang sales lady na lumapit sa amin ni Jena, napansin kong napatingin sa gawi namin si Dahly, at akmang lalapit na sa amin. Buti na lang dumating si Jason, sinurprise niya si Dahly by giving her a rose saka binigay na rin niya yung nakabalot  na puppy... "for you" Sabi ni jason sa kanya at titig na tigtig sa bestfriend ko. 

Ang bhezie ko naman ayun nganga, dyahe talaga sarap batukan. "Thank you" narining kong sabi niya, Hay salamat natauhan ang gaga. 

"Ok lang kami miss." tumitingin tingin lang kami", sagot ko sa sales lady

"Naghahanap ka ba ng stuff toy para sa gf niyo?" tinuro pa niya si Jena. Nagkatinginan kami, ni Jena dahil dun, sinakyan na lang namin ang tindera baka mapansin pa ulit kami ni Dahly...

"Ai mabuti po, we have new products po kasi, couples teddy bear. As you see sir, pares sila na bear isang girl na bear at isang guy puro may hawak na half heart saying I love you." pangungumbinsi sa amin ng tindera..

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now