Petra kong nilalangit!

195 26 18
                                    

LJ's POV

"Ah eh! wala namimili lang..." sagot ko sa kanya. 
"Ah ganun ba? ano binili niyo" at tinignan niya pinamili namin... obvious na obvious kaya na party stuff binili namin, nasa loob pa kami ng shop, si Faith talaga nagmaang maangan pa! Style mo bulok!

"Birthday kasi ng clssmate ni Jena bukas, namili lang kami ng mga balloons." Tinignan ko si Jena at nakuha naman niya... Ganito kami, partners in crime, we know how to cover each other. 

"Oo ate Faith, nagpasama ako kay LJ, alam mo naman ayaw ni ate na ako lang mag-isa lumakad. I mean di pa rin ako ganun kabihasa sa mga lugar lugar dito, mga dapat sasakyan papunta sa isang place... alam mo na!" At nagsmile si Jena, naks ang galing talaga naming dalawa... Naniwala naman si Faith. 

Lumabas na kami sa store at naglakad lakad... nauna na si Faith nasa likod lang niya kami, we were talking though stares and as hina as we can... 

"Papaano natin tatakasan to?" buti na lang, gifts na lang natin ang kulang... a day before the brithday pa natin bibilhin yung flowers at kukunin yung basket and banner... nagpapanic kong tanong at litanya kay Jena.

"I don't know how Jay, let's just try to wait, I'm sure something will come up."

Tipid lang niyang sagot, yet I can see in her eyes she is worried.

Biglang humarap sa amin si Faith... "Hmmmmn... may pinag-uusapan kayo..." nagdududang tanong niiya... she even looked from me to Jena...nagulat naman kaming dalawa at biglang napahawak si Jena sa kamay ko. Tinignan ni Faith yun and smiled...

"Ah kaya pala..." ngumiti siya at nag giggle... "ano ba so manhid of me naman, nakakadisturbo na pala ako sa date niyong dalawa... ikaw LJ ha, di mo man lang sinasabi na ganun na kayo..." may pahampas hampas pa si Faith sa braso ko...

"Teka Faith it's not like that" sabay pa kaming nagsabi nun, nagkatinginan kami and blushed... sabay din kaming nagiwas ng tingin. 

"Asus! sige deny nyo pa, push nyo pa yan hehehe... teka LJ alam ba to ni Dahly? "

Tumango na lang ako... Tama naman kasi alam ni Dahly may lakad kami ngayon, siya pa nga ang command officer namin... at oo din alam niya I like her sister... I'm just being honest.

"Ikaw LJ ha, tampo na ako sa iyo akala ko ba ako lang love mo?..." nagpout pa si Faith pero  nagsmile kay Jena sabay bawi sa sinabi..." Oi joke joke lang namin yun ni LJ ha..." Tumango lang siya, di ko mabasa ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. 

"Faith naman, alam mo naman love talaga kita, may poem pa nga ako para sa iyo di ba?" nakisakay na lang ako kay Faith, to lessen the tension ng sitwasyon....

"Poem? anong poem?" nacurious ata si Jena, tinanong niya sa akin half amused,half doubting...

"Ah ano... sige na nga... wag kang tumawa ha, corny eh hahaha.... Petra kong nilalangit, nilalangaw pati pwet! "

I saw her smile, naks ang ganda talaga ng smile... sige I'll continue...

"Ang mga mata mo ay sing laki ng buwan..." At pinalaki nga ni Faith ang mga mata niya, hanep may interpreter/visual ayos ah! 

"Ang mga pisngi mo ay sing tigas ng day old na monay..." kinurot kurot ni Faith ang pisngi niya and said... "malambot man."

I saw Jena giggle...amused siya sa little show namin ni Faith.

"At ang mga labi mo ay sing putla ng sa patay..." binasa ni Faith ang lip niya and pretended na kagat kagatin... "Ai mapula man!" Pa disappoint look pa siya... Tumawa na talaga si Jena, di na niya napigilan. 

I love the way she laughs, this will  be the first time I hear her do so. Naalala ko tuloy yung story ni Dahly, don't worryJena, I'll help you fix your broken heart, if only you will allow me to.

She caught me looking at her then mouthed words, "Ok ka lang?"

Tumango lang ako at nag smile. It's as if time froze, it was just us... Her looking at me with concern in her eyes and me staring at her longingly... O di ba ang drama lang?

"Don't worry guys, pauwi na talaga ako,so pasensya nakadisturb  ako sa date niyo..." Pukaw ni Faith sa amin...

We both looked at her, I was about to correct her na hindi kami nagdedate, sino ba ang nagdedate na may dalang party decors, pero naunahan ako ni Jena... "Ok lang yun ate Faith."

Nganga ako sa sinabi niya, she did not even bother correcting her, not that I want her to, masarap kaya sa tenga ahehehe. 

"Oh sige, mauna na ako sa inyo... Enjoy!" bago umalis si Faith, may binulong siya sa akin. "Chika ka sa school..." At umalis na siya.

"Ano sinabi ni ate Faith?" tinanong ako ni Jena. "Ah wala, sabi lang niya chika daw sa school. Tara na hanap na tayo ng gift niya. "

Napadaan kami sa isang arcade, we decided na maglaro muna ng iilang games, nag ball shooting... baril barilan... darts na nanalo naman ako ng stuffed toy, ibinigay ko kay Jena since ano naman gagawin ko sa stuffed toy?  

Kumain muna kami saglit sa Jollibee at namili na ng gifts. O di ba parang date lang talaga... kahit my errand kami from the great Dahly, at least di na kami parang  stalkers na may sinusundan ngayon. 

Bumili ako ng isang libro for Faith, alam ko kasi matagal na niyang gusto bumili ng Fault in our stars by John Green, hopeless romantic yun kasi. 

Isang kikay kit ang binili ni Jena for her, courtesy of watsons.  Si Jena na lang daw ang mag gigift wrap.. pumili siya ng wrapper na may maraming rose petals na design. Parehas na lang daw kami ng gift wrap.

We decided to go home na, on the way may napansin akong isang stall na may tindang mga cellphone accessories. Nakakita ako ng isang phone charm na kalook alike ng couple bear na binili namin... Yung guy bear at yung girl bear, pair pa rin... napansin ko na tinitignan din ni Jena yun...

"Ate magkano to?" tinanong ko yung tindera sabay turo sa mga bears... 

"P35 ang isa" sagot niya, binigyan ko ng 100 yung tindera at kinuha yung bears... "Wag mo na ibalot ate..." binigay niya na sukli ko... I showed Jena the bears, one on each of my hand... "O saan ang gusto mo sa kanila?" 

Tinignan lang ako ni Jena with a confused look... "Ah eh, kamukha kasi nung bears natin, so binili ko nah, para may burloloy yung phones natin... cute kasi..." 

"Ito gusto ko" at kinuha niya yung lalaking bear... at dali daling umalis.... "Oi Jena mukha naman akong bading pag ang babaeng bear isasabit ko sa phone ko..." sabi ko sa kanya...

She sticked out her tongue na parang bata na nang iinis... "Problema mo na yan basta akin to heheh"

At dali dali siyang naglakad palayo... 

Hahay! Tong babaeng to, kung di pa kita labs eh! Char! labs na agad... eh friend zoned ka nga lang... Humabol na ako sa kanya... Oi Jena, hintayin mo ako....

_____________________________________________________

Ayeeeeeeeee, kinikilig ako sa dalawang to, I hope you liked the chappie... more to come people... 

Salamat talga sa matiyagang nag read at umintindi sa kabaliwan at kacornihan ko... I'm so touched na talaga peeps!

Isang kiss from me... -tsup!

Until next update!

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Место, где живут истории. Откройте их для себя