Manggang Hilaw... Unang Tambay

283 39 24
                                    

Dreamy pa rin ako ng lumabas kami sa meeting room. Since maaga natapos and excused kami sa classes today, we decided na tambay muna kami sa tindahan ng mama ni Candy, ang aga pa kaya umuwi noh. 

Ng dumating kami, recess time nga pala, we forgot, kaya pala ang daming tao. Nakita namin si Dulce at si Faith there kumakain ng manggang hilaw. OMG takbo naman agad ako, I sooooooo love manggang hilaw. 

"Petra , Dulcita naku! tirhan nyo ako niyan!" sigaw ko pa. Natigilan sila sa pagkain at tumingin naman ata lahat ng students at teachers sa akin. OMG napalakas ata sigaw ko. "Ah eh! Hi everyone! Happy Eating" yun na lang ang nasabi ko while nag wave. Buti na lang bumalik na sila sa kanya kanyang ginagawa. 

Binatukan naman ako ng sister ko. "Abnormal ka talaga! Pwede naman sigurong nilapitan mo na lang sila kaysa nagsisisigaw ka diyan na parang nasa kabilang bukid sila." Nakasimangot na reaction paper ng sister ko. 

"Ah eh sorry nah, nadala lang!" Lumapit na kami finally. I introduced myself sa mama nila Candy at Dulce, ang bait naman niya. May naiwan pang isang supot ng binalatan na mangga, binili ko na yun. 

"LJ: Pahenge (kuha isa)," sumunod si Jena, then si JN, then nakisabay na rin si Faith, Cyrus at Dulce. 

Hala 2 piraso na lang naiwan..... tinignan ko sila... Haixt! parang gusto kong magwala. Pangisi ngisi lang ang mga loko.

Umupo na lang ako while nakasimangot. Napansin naman ata ni Tita Kris, mama nila Dulce ha hindi si Kris Aquino! "Ui Dulce magbalat ka pa ng mangga dyan, yung si Dahly nakasimangot nah." Utos naman niya kay Dulce.

Natawa naman si Dulce at sinimulan na nga lang niya ang pagbalat. After 10 mins... Oh ayan libre ko na yan sa inyo. Natuwa kami lahat, WOW! we all like manggang hilaw pala. 

After eating. Nagpaalam si Cyrus na may pupuntahan daw siya. Si Dulce naman naglabas ng gitara at dun simula na ang kantahan. 

Nahungry ako bigla kaya naman bumili ako ng tindang palitaw balls ni auntie at saka ng gulaman. While eating bigla akong nasamid. Dali dali naman lumapit si JN at pinagalitan ako. "Ayan kasi di nag iingat lamon ng lamon!" Pinahiran na niya ang pisngi at bibig ko na para lang baby na nagkalat ng food ang peg ko.

"Gutom lang ako eh!" nahulog na yung remaining ng palitaw ko. Nakita naman yun ni JN.

"Tita pabili nga ng isa ..." bumili ng palitaw si JN tsaka binigay sa akin. "Oh yan para sa iyo..." akma ko ng kukunin pero di niya binigay..." Nganga!" nalito ako sa tinuring niya.... "Isusubo ko na lang baka ano na naman mangyari." Hungry pa talaga ako kaya yun in one big AHHHHHHH ubos ang palitaw. YUM YUM!

"Hay ang laki ng bunganga talaga!" Tawa ng tawa si JN ng sinabi nya yun. Aba nang alaska pa.

"Che! at least busog ako." Ginulo niya hair ko after that... "Ang cute mo talaga! para kang bola." 

"Hoy tama na yang patweetums nyo, ang dami ng langgam oh! kinakagat na kami." Pabirong sigaw ni Dulce. 

"Nek nek nyo! kasalanan ko ba kung talagang sweet kami na magkapatid." singhal ko sa kanya. At lumapit na kami sa grupo.

"Oi Lemuel Jay Salas bakit ka katabi ng kapatid ko at paakbay akbay pa?" taas kilay with nandidilat na eyes ko namang tanong kay LJ na feel na feel ng moment.

"E di close na kami di ba Jena!?" reply ni LJ na para talagang nanalo sa lotto.

"Hai ewan ko sa inyo basta Jena, binalaan na kita dyan sa BFF ko." at ulit nag I'm watching you gesture ako sa kanilang dalawa this time. 

Tuloy ang kantahan, biruan hanggang sa nag ring na ang bell.Nakapagsunduan naman namin na hintayin si Dulce at Faith hanggang matapos ang class nila. Sabay sabay na kaming uuwi. Yipee sure ko masaya to!

+++++++++++++++++++++++++

Maikli lang yung story pasensya.... kapos sa oras need to work na guys. 

Sa mga susunod na chapters, we will get to know the characters better with their POV's in line.... Thank you sa readers ko I'm so happy naiiyak ako huhuhuhu LOVE YA ALL

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ