Palipad hangin...

156 17 8
                                    

"Cyrus's POV

Buti na lang pumayag si JN, I was thinking na she likes Dahly too, pero sabi niya hindi, yet parang may part of me na ayaw maniwala sa kanya... Am I missing something here?

Am I too perceptive or just plain cynic... Sure ako hindi ako selfish so hindi ako cynic... Tignan na lang natin ang mangyayari...

Uwian na, as usual andito kami sa may stairs waiting for Dahly... After 5 minutes of waiting... nakita na namin siya going down the stairs... she was busy reading a piece of paper, she really is a busy person, 

When I see her, one song comes into mind, Narda by Kamikaze... Oo, alam ko corny masyado... pero there are times talaga na parang gusto ko ng tumalon sa bangin para lang mapansin niya... 

Ilang beses na ba akong nagpalipad hangin sa kanya, every band practice, OA na ako sa pagpapacute sa kanya... at akala niya binibiro ko lang siya... May pagkadense din pala siya... 

"JN, Cy Cy bakit wala si Mark at Kevs?" Tanong niya sa amin ng makalapit siya...

"May date..." ako na ang sumagot... para kasing wala sa mood si JN, ang layo ng tingin... 

"Ah ganun ba, iba na talaga ang lumalablyf tsk tsk" sagot ni Dahly in her usual bubbly self...

I smiled at her, she never fails to complete my day.

"JN, may work pa nga pala ako... sorry if di ako makakasabay ngayon..." Sinabi niya iyon kay JN while naglalambing...

There are times na gusto ko ako na lang si JN, ang swerte niya talaga... Kung ako pa sa kanya niligawan ko na ito si Dahly, he has all the advantage of doing that... Bakit kaya di siya nagkagusto kay Dahly? O baka umiral na naman insecurities niya... 

Sa tagal naming mag bestfriend... alam ko kung gaano ka insecure si JN... di niya alam na he is worth more than what he thinks... Hahay ilang beses ko na bang sinabi sa kanya na ito yung papatay sa kanya in the future?... not literally na magkakabulak siya sa ilong dahil dito... What I mean is, ito yung dahan dahang sisira sa kanya....

"Ok lang yun, I'll be busy with something, si Cyrus na lang yung susundo sa iyo mamaya ha..." Yun lang ang sagot ni JN... Why is he acting so cold suddenly?

"Ok" Dahly smiled and hugged him... "I have to go guys... see ya later Cy Cy" she tapped me on my shoulder.

Kami na lang ni JN ang naiwan...

"You don't have to be so cold sa kanya"... Sabi ko sa kanya... I'm trying to test the water here... may hindi tama...

"I'm not..." pasimple niyang sagot sa akin... pero di pa rin niya ako tinitignan...

"Dahly has been so dependent on me Cyrus, I spoiled her too much... Yet hindi ko naisip na darating ang panahon na I have to stop it..." 

"Please take care of her the way I did, didistansya muna ako... I want her to be dependent on  you..."He told me that, this time he met my gaze...

"I'm not asking you to do that, that would be selfish of me... I can't let her lose you..." sinagot ko siya with conviction...

"You wanted her, in the long run Cyrus, pupunta pa rin yung situation sa ganito... I'll be a third wheel... I want Dahly to focus on you... Anyway hindi naman ako mawawala, andito lang ako, supporting both of you..." then he smiled... a smile na di ata umabot sa eyes niya... sabagay, ganito na yung mga smiles niya after the break-up with Patricia... 

"Please Cyrus, I know you are not convinced... Pagbigyan mo na ako... believe me, things will be ok..." yun lang ang assurance niya sa akin...

I want to believe him, pero ang hirap naman gawin nun, para kasing there is something wrong with this...

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now