Ang gitara part 1

422 48 77
                                    

Matapos namin mag dinner, since 9 pm pa naman at ang curfew ko ay 11 pm , nagkasundo kami ni JN na tumambay muna sa labas ng bahay nila. Well we could say porch ito since may old sofa at a few other chairs. 

Of course naglinis na muna kami ng pinagkainan namin nagpresenta ako na maghugas ng pinggan which he declined.

Si LJ na daw bahala sa lahat ng pinggan mamaya.

Well di na rin ako namilit, I sat down sa porch first since may kukunin daw muna siya. 

Ngayon ko pa naabsorb ang itsura ng bahay nila. It was a medium sized house na may dalawang palapag. May part na made of wood at may part na cement. May gripo na parang labahan area near sa gate, malawak yung bakod sa likod pero di ko na inexplore since madilim na.

Finally lumabas na si JN at may bitbit na guitara. 

Oi marunong mag guitara, I always wanted to learn that, maikli lang talaga ang abot ng mga daliri ko kaya I gave up na rin. 

Inadjust niya yung strings ng guitar medyo wala sa tono kasi, while doing that nagchika chika kami konti. 

2nd year of the same school lang pala kami and yung room nila is yung katapat ng room namin. He is the shy type pala. He is not into academics, basta pumasa ok na sa kanya. He loves to cook, opposite sila ni LJ as in.

Pero parehas lang sila may pagka-narcissist kaya lang mas makulit siya. Mas grabe kung maka kantiyaw at pang okray kaysa kay LJ.

Natanong niya bakit daw parang dry na dry hair ko. I told him the story na pinakulot ko, nagka alaga ako sa head pagkabukas pinastraight ko kaya ayun patay!

"Kawawang buhok, ipalibing na lang natin!" tawa ng tawa ang loko sa comment niya.

"Anipatiko hampasin kita ng gitara diyan eh!"sagot ko naman

Marami pa kami pinag-usapan, about sa mga hobbies, similarities, at iba pang getting to know you topics.

At finally, na ayos na ang tono ng guitar. Nag pa impress kaagad ang loko.

"Her eyes,her eyes, falls perfectly without her trying... "

aba maganda ang boses ni JN, ilang girls na kaya ang napakilig at napaiyak nito. Kawawa naman, buti na lang I'm not one of them.

"Magaling ka naman pala eh! Bakit mo itinatago?" I asked him.

Nagblush siya kaunti, "Hindi naman, hobby ko lang to." Pahumble niyang saogt.

"Ano ka bah maganda boses mo at magaling ka rin mag gitara."

"Di nga?" ayaw maniwala ng mokong na to isa ka na lang.

"For sure marami ka ng napa-iyak na girls. Girls always fall for men who know how to play musical instruments, lalo na yung gitara." Pa as a matter of  fact na sambit ko pa.

"Bakit? Do you also like guys who plays the guitar?" Biglang tanong niya in a very serious face.

"Hmmmnnn... " napaisip ako... may picture si Dennis sa internet na may guitar... "Yes" sagot ng lola niyo

At dun nagsimula na akong magkwento tungkol sa imaginary lovelife ko. 

"May crush ka sa isang anime???" gulat na tanong ni JN.

"Oo, bakit masama bah?" tanong ko naman na parang nayamot bigla.

"Dahly, fictional lang sila. Hindi sila totoo!" napakamot ulo si JN na para bang naconfuse siya.

"May advantages din naman ang pagkakaroon ng fictional na crush noh," pataray na sagot ko naiirita na ako ha!

"Like what?" walang pagdadalawang isip na tinanong talaga ako ng JN na ito.

"At least Dennis will never make me cry." yun lang ang naisagot ko which is tama naman. Fictional nga eh at imaginary pa love story namin, hawak ko ang takbo ng story namin...

"Ganun bah? Lame excuse naman niyan. Get a boyfriend o kaya have a crush on a real person!" suggestion niya.

"Ayaw ko nga noh, paiiyakin lang ako nun." Stubborn and with finality na answer ko. 

"Dahly kahit naman siguro maging boyfriend mo pa crush mo, di maiiwasan na may time na iiyak ka talaga."  Walang pag-aalinlangan na words of wisdom ni Master JN the Great.

"I just don't like to cry over a guy noh, para naman yatang so babaw nun." Pa duh face effect pa ako while saying this.

"Before this year ends, I'll make you cry." yun lang ang sagot ni JN at natigilan ako sa sagot na yun ha. 

"Are you challenging me? Fine, tignan natin kung kaya mo nga!" yamot kong sagot

I know mababa ang luha ko, but that is for drama na pinapanood ko saTV but nunca for a guy!

Nagsmirk lang ang loko, gusto ko tuloy burahin yang smirk na yan. Makalmot nga!

Napansin na yata ng gago na imbyerna na beauty ko. "Sorry na" sabay puppy eyes at pouting lips. Niyakap na rin ako para talaga lumambot na ang imbyerna kong heart. 

Napabuntong hininga na lang ako, "parehas talaga kayo ni LJ! naku!"

Kumanta na ulit si JN, this time though instead of looking at the chords of the guitar, he was looking at me...

 "Wherever you go, whatever you do, I will be right here waiting for you..."  

Nakining na lang ako sa kanya. He was still looking at me with those sexy eyes. 

Hoy Dahly ha iba na yan maghunusdili ka! Likas na yata sa magkapatid na ganyan na ma appeal sa girls! saway ko sa sarili ko.

Besides Dahly he is so not Kurama ang layo kaya nila. si LJ pwede pa tanggalin mo lang yung pagkababaero niya. 

Napabuntong hininga na lang ako, ano ba tong napasukan ko Lord? 

By 10:30 pm hinatid na ako ni JN sa bahay namin, nakita nila mama at dada yun.

Pag alis ni JN, kinulit kulit ako ng mama ko at dada ko. 
"Nanliligaw ba yun sa iyo Dahly Mae?" seryosong tanong ni dada.

"Dada hindi po. Kapatid po siya ni LJ, di na po kasi ako naihatid ni LJ kasi may lakad yung tao."

I forgot to tell you nga pala na meet na ni dada si LJ nung first day of school. Sinundo kasi ako ni dada at ayern nagkagaanan ng loob ang dalawa. Shooooo hinabilin na ako sa bestfriend kong loko loko.

"Ah ganun ba, ang gagawapo naman ata ng lahi nila anak."

"Da! Kahit ano pang gwapo nila wala silang laban sa one and only love ko."

"Abah! May boyfriend ka na ba? Anong one and only love yung pinagsasasabi mo dyan?"  scary faced na tinanong ako ni dada

"Naku bata ka sino yan?"Halos bumuga na ng apoy si dada sa mga tanong niya.

"Da! si Dennis po," sabay pakita ang picture niya sa wallet ko. "Si Dennis Minamino Shuici Kurama."

At dun nakatanggap ako ng batok from dada, "Hay naku bata ka akala ko kung sino! Wala pa talaga sa matinong pag iisip yang anak mo Imelda!"

Hala confused na ako ha! Kanina parang NBI na nakapagcross examine kung ano ko si JN, ngaun naman galit with batok pa ng sinabi ko kung sino talaga true love ko. Ewan ko na nga makapaghilamos na nga para maka beauty rest na. 

_________________________________

Hmmn... ano pa kaya ang mga moments ng Bida natin... Join her as the story continues...

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now