Conflicting emotions part 1 - The broken angel

215 24 20
                                    

 My favorite couple, yes, true they are my favorite couple sa loka lokang story na ito... A girl with a broken heart... A guy with a tarnished reputation o di ba ang drama nila hehehehehe...

LJ's POV

Nakakainip din pala ang maghintay, may mga pacute pa dito sa tabi ko, akala mo naman ang gaganda... I hate it when this happens. Umulan pa hahay... Nasaan na kaya si Jena...Di naman siya late may mga 10 minutes pa, bago yung oras ng usapan namin... kaya lang para kasing kakain ng taong buhay ang dalawang babaeng katabi ko dito. Kaedad na ata ni Mama ang isa, nge! Yung isa naman, bata nga pero halos labas na kaluluwa sa suot niya, at sinadya pa ata na hayaang makita ang undies niya... Diyos miyo marimar! O.O

Akala ko si Dahly na ang pinakaabnormal sa mundo, meron pa palang mas worst?

I texted Jena... "Please save me..." and like an angel from above, natanaw ko na siya sa malayo... It amazes me how I always lose my breath when I see her... She looks so beautiful against her background... so ethereal, parang isang mukhang di nabibilang sa mundong ito... She was just wearing a faded denim hoodie na nakabukas ang zipper, naka simpleng blue t-shirt lang siya, shorts, converse sneakers na red, nakapayong ng black... nakabuhayhay ang long hair niya and as usual naka earphones... So simple yet so beautiful... wala talaga siyang kaartehan sa katawan... siguro pulbos and lipgloss, which are basic in a girls look.

Parang binabasa na niya yung text ko, I saw how her lips moved into a smile... Then she looked at me... nakita na nya saan ako nakatayo, then diverted her gaze sa dalawang girl na nakaupo beside me... Malapit na siya sa waiting shed... I could see mischief in her eyes... unlike her ate na super walang pakialam sa mundo at innocente de ti... Pilya si Jena, more of one of the boys ang style niya... feminine na feminine pero cowgirl... as what I said walang kaartehan. 

When she was in the waiting shed na, Hi dear, I'm sorry natagalan ako" at sinadya niya atang matamaan ng basang payong ang babaeng kita na ang kaluluwa... "Ai Miss mag-ingat ka naman!"...reaction nung girl... shucks mukha ng basang sisiw tuloy, pilya talaga tong si Jena... 

"Ai sorry miss ha, excited lang kasi akong makita ang boyfriend ko..." mataray niyang sagot sa girl... para namang nabuhusan ng malamig na tubig yung dalawang girl. Hinila na ako ni Jena sa paradahan ng taxi...

Ng makasakay na kami... "Thanks Jen..." nakasmile na pasalamat ko sa kanya, I could see that she still has the look of triumph on her face... pilya at maldita talaga, nag-enjoy pa ata siya sa ginawa niya. "Wala yun Jay... she deserves it ang lalandi... di na nahiya... anything for a friend."

Ouch! hahay nakalimutan ko "friend" as in with the quotes nga lang kami...

Hahay Jena, if you only knew... naalala ko tuloy ang usapan namin ni Dahly sa classroom kahapon while gumagawa ng activity sa likod ng room... doon na kami umupo kasi we need space para sa activity na ito, which was painting a figurine. Isang batang may hawak ng teddy bear ang figurine namin. This was already advanced lessons sa arts and drafting na subject.

Bigla na lang kasi nagtanong si Dahly... "LJ, do you like Jena?"

Halos mahulog ko yung figurine sa pagkabigla... buti na lang nasalo ko.  "Dahly anong tanong ba yan?" inis kong reply... I continued painting the figurine na lang pero, hinayaan ko na lang nakalapag sa chair yung figurine, mahirap na loka loka ang kausap ko. 

"LJ, I'm serious! These past few days napansin ko na she is slowly responding to the world... bumabalik ang dating siya... di na siya autistic, na may sariling mundo... ako na lang ata may sakit sa utak sa amin.... and also both of you are getting close... I could see changes LJ, I'm happy pero at the same time worried..." biglang na sad ang face ni Dahly, bakas talaga sa mukha niya na nag-aalala siya... napabuntong hininga ako, and silently said...Dahly, kung alam mo lang, aaminin ko gusto ko si Jena pero, I also want to keep you as a friend... o di ba complicated lang?

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon