Sa Market....

195 26 16
                                    

This chapter is dedicated to my sister Sheena, oh ayan na ang kinukulit kulit mo sa akin na scene.... echusera talaga!

Jena's POV

Ang busy ng week namin, busy preparing para sa birthday ni Faith and todo prepare din ang SC for our acquaintance party next Friday, Animelandia, ang corny pakinggan, well wala tayo magagawa si tigre ang nagdecide...

Dahly has been one of the busiest, nagkasabay sabay kasi deadline niya, may volume I ng school paper, SC work, tutorials since malapit na ang exam and idagdag pa ang birthday ni Faith again... pero she took time to prep a costume for me sa party... si Sode No Shirayuki, bankai ni Rukia sa bleach. Snow princess lang ang peg!

It was a day before Faith's birthday, ang araw na kailangan namin kunin ang wooden crate na para sa falling flowers epek ni Dahly sa birthday ni Pet,  and we have to buy the roses na... Buti na lang walang emergency meeting ngayon, we have enough time ni LJ to do the decors... 

"Oi Jena! pasensya na late ako, may mga huling habilin pa kasi ate mo grabe talaga ka OC yun sa mga ganitong bagay."

"Ok lang yun, kaya nga di na ako nagpakita sa kanya, kasi sure ako yan ang mangyayari, malas mo lang at classmates kayo hahaha." Biro ko sa kanya.

"Sige mang inis ka pa" yamot na sabi ni LJ, "tara na nga at para maaga tayong matapos, nasa iyo na ba yung susi ng HQ nila kevs? "

Tumango lang ako, "susunod na lang daw sila JN and the gang, hihintayin pa nila si Dahly at ihahatid pa nila si Faith." Parang secretary lang na nagrereport chos!

Naglakad na nga kami ni LJ... kinuha na namin yung crate, so next stop flowers... red roses ang habilin ni ate sa akin. Red talaga?! Kurama fan nga naman loka loka talaga... 

Kailangan yung namukadkad na para sa falling petals at isang budding rose para sa special event... kaloka iba talaga kapag si ate ang magpaplano ng kilig moments, parang adik lang.

Isang dosenang roses na mumurahin lang ang binili namin... of course no, students pa kami, chipin chip in nga lang kami para dito... buti na lang yung food care of ng parents ni Faith, kinausap ni ate sa phone, nagpadala ng money... hindi taga rito si Faith, nakikitira lang siya sa cousin niya. 

Si LJ ang may bitbit lahat ng dala dala namin... isa na lang and we are done, yung long stemmed budding rose na lang... iisa lang ang flower stand sa market, wala akong makitang red na budding rose... pero may puti... yun na lang bahala na si ate, new begginings at remembrance ang meaning nito, a symbol of pure love  I always loved white roses... excited akong  kinuha yung white rose...

"Ouch!" anak ng tokwa!  ayan kasi di nag-iingat, natusok ako ng thorn, nakita yun ni LJ, agad niyang kinuha ang kamay ko.

"Jena mag-ingat ka kasi, ayan tuloy nasugatan ka..." Unexpectedly nilagay niya finger ko sa mouth niya at sinipsip yung dugo... Naconscious ako, hindi dahil sa yuckee pero, pinagtitinginan kami ng mga tao... 

Binitawan na niya yung kamay ko... ewan ko ba bakit feeling ko the feel of his lips still lingered on my finger... I feel blood rushing to my cheeks... Leche LJ! naguguluhan ako... I stood silent there... si LJ na ang nagbayad for the rose, "Tara na Jena! " he smiled at hinila niya kamay ko.... 

PAK! I was so confused na di ko sinasadyang nasampal si LJ, natiglan lahat ng tao sa market... isang malutong at malakas lakas na sampal ang naibigay ko sa kanya, I could even see the red mark on his face... "Don't touch me!" yun lang at dali daling umalis ako... ewan naguguluhan na talaga ako... I felt tears running down on my face, I'm sorry LJ, nakakahiya wala ka namang ginawang masama pero sinampal kita....

Malapit na ako sa  HQ nila Kevs, tinakbo ko na ang short distance, I want to clear my mind it might help.

I unlocked the door and just when I was about to get in, I felt a gentle pull sa kamay ko... It was LJ, hininhingal siya, was he running to catch up with me... siguro galit siya sa akin, ano ba kasi pumasok sa isip ko at nasampal ko pa siya... I was afraid to look at his face...  but I heard him say, "Jena ok ka lang?" I looked at his face,walang bakas ng galit instead worry ang nakita ko...

Adik to ah! nasampal na at lahat lahat, worried pa sa akin... 

I just stared at him...binitiwan muna niya ang mga dala at bigla na lang niya akong niyakap... "Shhhh! it's alright you don't have to be scared... I'm not angry... Masakit yung sampal pero mas masakit makita kang nahihirapan, di ko alam what's running on your mind right now, pero andito lang ako... I would turn the other cheek for you, if gusto mo pang manakit ng tao, vent it out on me if you like... "

He was trying to be my shock absorber... For the first time in six months... I just let my tears fall... sinubsob ko na lang ang face ko sa shoulder niya and let go of all the pain... He hugged me even tighter... "Tara pasok tayo you may need to sit down... "

He was right, my legs suddenly turned to jelly, I was shaking while crying... Shit! it feels good to let go of all these pent up feelings bottled up inside... I feel alive... parang nagising sa isang bangongot. He let me sit down without breaking the contact... Sa tingin ko nasa sahig kami ng mini-stage.

I hugged him back... he was just there silent... parang si Dahly... just there, hinayaan lang niya akong umiyak. Di ko alam kung gaano ako katagal na parang batang umiiyak wrapped in his arms.

After what seemed like eternity, Hikbi hikbi na lang ako... this time hiya hit me... I just hugged him still... nagpapakapal pa ako ng mukha wait lang... this is the first time I was intimate again with a guy... inamoy amoy ko si LJ, parang adik lang... he smelled fresh... reminds me of the sea... so calm and relaxing... yun ang epekto ng perfume niya... ano kaya ginagamit niya... he felt so warm... Oi Jena nahawa ka na nga sa ate mo behave...

"Ok ka lang? gusto mo ng tubig? food?" nagulat ako sa tanong ni LJ... No choice ako time to face him...

"Ok lang ako LJ, pasensya kanina ha di ko sinasadya... I'll make it up to you... at pasensya na rin nabasa yung school polo mo... "

"Ok lang yun Jen, pero I'll take your word... you do need to make it up for me, libre mo ako ng sine...  ... masakit sakit din yun ha, natanggal ata bagang ko sa sampal na yun... I'll take note to be always on your good books... mahirap na I had a taste of your bagsik..."

"Adik!" hinampas ko si LJ sa dibdib and smiled....

"Oh ayan, smile ka lang, mas maganda ka tignan that way... kaya mo na bang tumayo?"

Tumango lang ako.... 

"Good, next time ka na lang manglibre... treat ko ngayon, may nagtitinda ng isaw dyan sa unahan... kain muna tayo bago work..." Tinulungan niya akong tumayo..

"Sige bah nagutom ako sa kakadrama, ang mahuli ay panget!" At tumakbo na ako palabas...

"Hoy! ang daya!" yun na lang ang narinig ko at tumakbo na rin si LJ.

__________________________________

Chos! hope you liked it sis... hahah I so love this couple talaga!

Till next update... happy wattpadding mwah!

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora