Ang gitara part 2

189 24 13
                                    

HI readears! pasensya if medyo sabaw ang update na ito, medyo lutang ang isip ng author.... nasa dreamland pa ata hehe... 

___________________________________________________________________

JN's POV

She was just standing there, ilang minuto na ba ang dumaan mula ng umalis si Jason? Tsk! She's just standing there, hand on her cheek, as if hinalikan siya sa cheek no?! Noo Dahly! noo ka niya hinalikan, tsk!

Tulala, nakanganga, pathetic! Ano ba nakita mo sa ungas na yun?

Nilapitan ko na siya, lumalalim na ang gabi, it's starting to get cold... Baka magkasakit pa ang gaga at mamayat dahil dun, paano na lang ang love na love kong kurutin na bilbil?

"Dahly?"... pasok na mahamog na... di siya umimik, no ha, no he, no ho, kahit ek wala.

Tinusok tusok ko na yung bilbil niya, wala pa rin...

Hmmmmnnnn.... Ano pa kaya pwede kong gawin? ginaya ko pa ang the thinker while trying to think of a way to get her out of the trance, pero di ako umupo at hubo ha, OA naman ng imagination niyo.

Alam ko na, TING (idea).... tumayo ako in front of her... tinignan ko siya, her eyes are full of life, may sparkle pero parang lost in a dream.... ito na, good luck sa akin... inilapit ko na ang mukha ko, for sure lagot ako nito mamaya... I planted a kiss on her lips, just like before, it was so soft, halatang di pa sanay sa halikan... PAK! as expected.... isang malutong na sampal ang nakuha ko, at least gising na siya sa daydream niya...

"Ano ka ba James Nicholson Salas, that was my first kiss! Anong sumanib na masamang ispirito sa iyo at nagawa mo yun?" at marami pang sinabi si Dahly, parang armalite talaga bibig nito ratatatatat.

Hinimas himas ko yung pisngi ko, grabe ang sakit, namaga ata.... I deserve it naman, ikaw kaya biglang hinalikan, di ka kaya mainis... Oo may nagnakaw na ng kiss sa akin, tsk! Ayaw ko ng maalala yun, kababaeng tao...

"Ano ba Dahly ang sakit nun!? natanggal ata ngipin ko sa bagang..."

Naworry naman bigla si Dahly, "ai sorry, masakit ba talaga..." tinignan niya ang pisngi ko... "Hala! sorry talaga, namumula pa... Ikaw kasi bakit mo ginawa yun?"

"Di ka kasi kumikibo dyan, kanina pa kita tinatawag pero wala, umabot ka na ata sa mars, kaya wala talaga kahit konting reaction... akala ko nga namatay ka na dyan na nakatayo!" I just said that in one go... ayan tuloy naghahabol ako ng hininga ngayon.

"Pwede namang sinampal mo ako, kinurot ng sobrang sakit ... any other way, wag lang yung ... yung ginawa mo, I hate you, ang first kiss should be romantic... once in a lifetime lang yun.... Ibalik mo yun I hate you na talaga..." hinampas hampas niya ako....

"Ah ok ibabalik pala, sige fine ibabalik ko" akmang nilapit ko na mukha ko ng tumili siya....

"AYYYYYY! wag na lang I changed my mind..." ginamit pa niya kamay niya as shield sa mukha ko... tinakpan niya bibig ko...

"shabeeemooibalilkko..." medyo di clear yung words, nakatakip pa kasi yung kamay niya sa bibig ko... 

"Ano!'  tinanggal niya na kamay niya... "Ang sabi ko, sabi mo ibalik ko, yun pala gusto mo e di ibabalik ko..."

"CHE! wag na nga eh! pasok na nga tayo at mahamog na..."

Nauna na siyang pumasok sa gate at sumalampak sa sofa sa may porch... nakasimangot pa rin...

Tumabi na ako sa kanya... "Oi Dahly sorry na" niyakap ko siya from the side at nagpacute para patawarin na ako... Wala pa rin imik.... 

Nainis na ako, "Dahly naman eh kiss lang yun, at isa pa hindi yun ang first kiss mo..." nadulas ako, I shouldn't have said that... I just opened a can of worms in front of me,  I'm in deep shit na talaga!

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum