Tita Chloey!

270 27 25
                                    

I was waiting on top of a tower, brushing my long golden locks until kumikinang na ito na parang ginto... 

Bumuntong hininga lang ako at napatingala sa langit. Lord hanggang kelan ba ako maghihintay sa aking tagapagligtas. Nasaan siya? Where is he where is he, where is this beautiful guy? 

Biglang may tumawag, isang unfamiliar voice... Rapunzel Rapunzel let down your hair...

Ai may fafa sa ibaba, this is it! Kinarga ko na ang mahaba kong hair na parang lubid na sa taas.... 

Nafeel ko na ang careful na paghila niya sa aking hair.... OH MY GEE! Paakyat na siya... do I look pretty? teka naligo ba ako today? inamoy amoy ko kilikili ko, hmmmn mabango... Toothbrush kaya? inamoy ko between my closed palms ang hininga ko... hmmmnn amoy adobo ok na yan, masarap naman ang adobo eh!

Rapunzel?  tinawag niya ako.... Diyos ko Lord andito na prince charming ko... pagtingin ko... Nge! Bakit si JN?

Ano yun? panaginip lang pala, bakit napunta si JN dun? hahay, sinilip ko ang alarm clock 10 am na,  pffft! sleepy pa ako, naalala ko bigla... NESFRUTA! Unang araw nga pala ng pretend to be lovers namin.... Pwede di na lang magschool.... pero ayaw ko rin naman... di ko makikita si crush ayeee! I rolled to the other side of my bed na pasmile smile pa while nakapikit... Nang biglang... "Good Morning!" Namulat ko bigla ang mata ko, may tao sa room ko at lalaki, I looked slightly sa taas, si JN he was looking at me with those seductive eyes, at nag wink pa... Nge! nanaginip pa rin ba ako, paano napunta dito ang loko na ito? Nakahiga din siya sa bed ko, katabi ko pa! Pinisil niya ang nose ko, the hell nafeel ko yun! Di na ito panaginip! WAAAAAAH "JN bakit ka andito? How did you get here?"

"Sa may pinto ako dumaan of course! Ang cute mo naman pala matulog..."

I looked at him, feel na feel niya ang paghiga higa sa kama ko at home na at home, Antipatiko... Naalala ko I'm still on my flimsy night dress... Kitang kita ang kaluluwa ko OH MAAAAY GAAAAAD! By instinct tinakpan ko with my hands ang body ko... Nge! nakakahiya! Feel ko namumula fez ko mga lola!

"Asus patakip takip ka pa,  nakita ko na, kanina pa ako dito noh! As if naman may dapat makita..." pakaswal lang niyang salita habang kinuha unan ko at niyakap....

WAAAAAAAH antipatikong to! "Sino nagpapasok sayo dito?" medyo napasigaw na ako sa kanya, talaga bang walang pwedeng kaaya-ayang makikita sa katawan ko? Naconscious ako bigla at tinignan ang dibdib ko? Di naman ako flat chested, bilibilin lang.... 

"Pero in fairness malaki si natural cushions mo..." pilyong comment ni JN... 

Binato ko siya ng unan... "PERVERT! Sino nga nagpapasok sayo dito? at bakit ka andito?"

"Tita mo nagpapasok at I'm doing my Boyfriend duties..." Pasimple lang niyang sagot... 

Wait, wala nga pala sila Mama at dada for a week si Tita Chloey ang babysitter namin.... OH my GAAAASH kaya pala nakapasok sa room ko ang damuhong na ito.

He looks so out of place sa super girly, pink fluffy and lacey room ko at itong si JN, so masculine NESFRUTA naman talaga. 

"Fine! Now could you get out, maliligo na ako!" I told him kasi talagang maliligo na ako, baka malate pa ako sa school. 

"Ayaw!" Yun lang sagot niya sa akin, at nagtalukbong sabay pretend magsleep... Aba antipatiko talaga! 

"JN I'll be dressing up here mamaya..." frustrated kong sagot... Walang sagot! 

"JN!?" Nilakasan ko pa baka di niya narinig kanina...

"Please could I just rest here, promise di ako sisilip nakatalukbong lang ako di ba... inaantok pa kasi ako... Ang aga ko kasing nagising kanina... Just let me sleep while you prepare..."  yun lang sinabi niya at ayun nagtalukbong na ng blanket ko. "Fine!" kahit ano pang sabihin ko, it will be useless. Kinuha ko na ang twalya ko at lumabas sa kwarto... 

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz