Confrontations part 4- The deal

226 26 20
                                    

Kevin and JN

JN's POV

Natapos na rin klase namin with Dahly, ang saya ng class namin the best English class I had... 

Tumambay muna kami ni Kevin sa labas ng classroom namin, break time yun, nakita namin si Faith, Dahly, Dulce at LJ na lumabas sa room nila, sabagay kaharap lang ng pinto ng classroom namin ang pinto ng classroom nila. 

Nagwave sila sa amin at inaya kaming kumain sabay turo sa direction ng tindahan nila auntie. "Susunod kami" yun lang ang sinagot ko sa kanila at umalis na sila.

Napansin ko na sinundan ng tingin ni Kevin si Faith.

"Hoy bro! Kung gusto mo siya, ligawan mo na, ano ka ba, halata naman na may gusto sa iyo eh" encourage ko sa kanya. "Ang totoo kevs, nadulas si Dahly at inamin sa akin na may gusto din si Faith sayo naghihintay lang na magmove ka. "

"Eh, ewan bro, nahihiya ako eh!" Si Kevin nahihiya? sabagay rare nga kung magsalita ito, mahiya pa kaya, pero pag pinahawak mo ng gitara ayun walang hiya, sabagay siya kaya lead singer ng school rock band. 

"Ano ba magagawa ko para mawala na yang hiya hiya mo?" tinanong ko siya, bumuntong hininga lang siya 

"Pwedeng ..." natigilan siya at tumahimik na parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.

Tinignan niya ako ng sobrang seryoso. "Ligawan mo muna si Dahly, pag naging kayo na, liligawan ko si Faith." 

Nabigla ako sa sinabi niya, ako at si Dahly what da? Ano kaya sumagi sa isip niya? sabagay ok lang si Dahly naman yun eh. Sure akong tutupad si Kevin sa usapan namin, he always does...

"Deal!" Yun lang ang sabi ko kay Kevin at bumaba na kami papunta kina Auntie. 

Problema, papaano ko kaya makukumbinse si Dahly? 

__________________________________

Last period na, at alam ko may huling klase pa si Dahly with the 3rd year section D , sumama na ako sa klase niya.Sinabihan ko na lang siya na absent Filipino teacher namin, which is true naman kaya pumayag na rin siyang mag sit-in sa last class of the day niya. 

"Good Afternoon class." Masaya niyang bati sa 3rd year D, 3-D hanep parang sine lang, at least sila sosyal kami 2-D lang eh heheh

As usual, she commanded authority from 3D, she never fails to amaze me, may ibang student though, nakita kong pasulyap sulyap sa akin at giggle ng giggle sabay bulong sa seatmates nila. 

Akala siguro nila di ko sila nakikita, sabagay nakatakip yung mukha ko ng panyo at half closed mata ko, di nila nakikita yung wandering eyes ko. 

Paano ko ba ito kakausapin si Dahly ha? may Jason na kasi na nagpapacute sa kanya, Shit! ang sarap suntukin gwapong gwapo sa sarili, mahihirapan akong makumbinse si Dahly dahil sa kanya. Pffffft! lalo tuloy ako nagalit, pumapapel ang loko.

Nagpapacute na ang ibang girls sa akin, sorry ha, di ko kayo gusto! Ininsnob ko lang sila, pero lalo atang nagpacute... MGA MALANDI!

Tinawag ni Dahly ang isa sa nagpapacute, di nakasagot ayan di kasi nakikinig, napagalitan tuloy ni Dahly. Buti nga sayo! xD

Pakshet! wala talaga akong matinong plano, kahit anong plano mabuo ko, may Jason na nakaharang. Di ko pinoproblema ang panliligaw before, di naman sa nagmamayabang, sinagot na ako ng girl bago ko pa sila ligawan, kahit pa si Patricia. bakit bigla ko naisip yun ? Erase may mas importanteng bagay kang dapat isipin.

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon