Interschool Intrams- Pent Meet_2 Ang Poste

152 24 15
                                    

Jena's POV


YAAAAAAWWWWWNNNNN! Bored na talaga ako. Andito ako ngayon sa coop building ng host school, nanonood ng tae kwon do match... Not mine, hindi bagay ang tae kwon do sa akin, masyadong mabait yun... I'd prefer wrestling, the more brutal the better... BWAHAHAHAH!

Ewan ko ba bakit napilit ako ng taong ito na samahan siya here, more or less manood ng laban niya?!

Tsk tsk tsk , what is happening to you Jena? have you gone soft? It was his turn now, the final match for the day, it will determine kung sino winner... tinignan ko ang kalaban niya, parang long lost brother ni King Kong sa sobrang laki at sobrang kachakahan... ewwwwww! Saan kaya ito napadpad ng nagpaulan ng mukhang kaaya aya si Lord?

LJ seemed determined though, para siyang Japanese noodle vendor sa itsura niya ngayon hahahaha...pero in fairness ang cute niya. 

Tinawag niya ang name niya, at ewan kung saan nang galing ang mga banners at girls na halos matanggal na ang ngalangala sa kasisigaw... parang mga kabote... Musta ngala ngala te? ok pa ba?

Tsk tsk tsk... Umasa pa kayo... Hoy suitor ko yan! Mga epal! Gusto ko sanang isigaw yun sa kanila... pero never mind... Sabi niya manliligaw siya, asan na? impaktong to!

Nagsimula na ang laban. OUCH, aray, EEEEKkkk! Nakita ko kung paano siya natamaan and nakita ko rin ang pain sa mukha niya.

"HOY LJ, ANO KA BA NAGPAPABOGBOG KA SA KING KONG NA YAN!? Pag di ka nanalo lagot ka sa akin!"

Di ko namalayan na naisigaw ko na yun... everyone looked at me... "Ah eh, sorry na carried away lang..." napakamot pa ako sa ulo ko... Mukhang nakuha naman ni LJ message ko, mas naging seryoso siya sa laban. 

Ano bang napasok sa isip ko at nagsisisigaw ako kanina? nahawa na talaga ako kay ate... NYAAAAHHHH! it runs in the family ata.

WAPAK! isang sipa sa tagiliran ni King kong ang giniwa ni LJ... PAK PAK PAK! sunod sunod na round house kick, isang foot snap, at para sa finale.... isang malutong at malakas na HOOK KICK! 

" YEEEEEESSS!!!!" hiyawan lahat ng fans ni LJ, pati ako nakisigaw na rin... Oh asan ka na ngayon King Kong bro? Kumusta ang mga stars na nakikita mo?

They announced our school as the winner... After that may mga malalanding hitad na lumapit sa kanya, may isa nagnakaw pa ng kiss sa pisngi!

LECHE ka gusto mo bang makulot yang bagsak mong buhok? Wait, saan galing yun? What is wrong with me?

Hindi ko alam bakit naiirita ako ngayon, inis? galit? selos? CHE! selos ka dyan, NEK NEK MO LJ SALAS!

Di ko namalayan na papalapit na si LJ sa akin, kung di ko pa narinig ang mga bulong bulongan ng mga hitad na yun, di ko pa mapapansin.

Sino ba yan? GF ba niya yan? ...In Fairness maganda siya pero mas maganda ako! ....Mas bagay kami ni LJ

Mga ambisyosang hitad, ang layo niyo sa beauty ko! Tinignan nila ako ng masama, pinandilatan ko lang sila...

Nakalapit na si LJ, "Jena thanks sa support ha... at niyakap niya ako..." Nabigla ako sa ginawa niya pati na rin ang mga alipores ng malandi club nagulat. Lahat sila naka nganga

I gave them the middle finger, PAK U! Oh ano nga nga kayo?

Buti na lang nakahug pa rin si LJ, di niya nakita ginawa ko. 

Nasira na ang mukha ng mga hitad at nagsi alisan na lang. Buti nga sa inyo!

"Hoy!" hinampas ko si LJ, "namumuro ka na tsansing na yan ha..". Back to mataray mode ulit ako.

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now