Conflicting emotions part 2 - Mr. Bear

200 26 17
                                    

Jena's POV

8 pm nagdecide na kaming umuwi ni ate, di na kami nagpahatid, nagtaxi na lang kami. Ayaw kasi ipaiwan ni Dahly si JN na walang kasama, bigla kasing tumaas ang lagnat. Ang OA ng dalawang to, bakit di nyo na lang kasi totohanin!?

Tinignan ko itsura ng ate ko, di ko maintindihan kung parang batang yagit na nakaduster o isang naglalakad na tshirt. Buti na lang nagtaxi kami, DYAHE!

Pag-upo sa taxi, may naramdaman akong something na matigas na naupuan ko... Ai si Mr.  Bear lang pala, nasa back pocket nga pala ito... Kinuha ko yung phone ko at isinabit na ito dun... I did not notice na tinitignan pala ako ni ate at inoobserbahan...

"Nakasmile ka pa talaga while sinasabit yan... Alam mo familiar sa akin yung bear na yan... Wait, ai oo nga the same sa bear na katabi mo matulog!"

Sometimes may utak din pala ate ko, pero kinabahan ako, these are one of those RARE moments kuno na nag ooverdrive yung utak niya... 

"Alam mo kamukha din nyan yung bear na nasa room ni LJ, babae nga lang yun pero may hawak din na half ng heart..." pakaswal niyang say... pero bigla siyang natahimik with a surprised face, she tapped a finger on her cheek, isang gesture niya that says she solved something or discovered something. Di maganda pakiramdam ko sa ngiting nakikita ko sa face niya.

"Did you two buy a couple bear? parang nakita ko kasi yung mga bears niyo sa toy store na pinuntahan namin ni Jason... I am definitely sure on that!"

 I chose to be silent, this way is safer... Pero kilala na talaga ata ako ni ate... She knows my silence means she hit the jackpot!

"Jena, whether you like it or not mag-uusap tayo mamaya..." I heard her say...

"Whatever!" yun lang sinagot ko...

_____________________________________

Naghilamos na ako, here I am again... I just let my thoughts wander and travel back to my past... It does not hurt that much anymore... Parang tange lang, ginagawa ko ito palagi to access if I have moved on... 

Still nagmumuni muni, binuksan ko ang pinto ng room ko, at nakita ko Dahly na nakaupo sa bed ko, naglolotion, Oo tama ka sa nababasa mo, sa gabi naglolotion ang bruha, para kasi sa kanya, sa gabi walang araw mas, umiepek ang lotion deep down kaysa overwork sa outer layer lang... besides daw, mas naatract ang dirt at malagkit much daw if naglolotion siya sa umaga... Oh di ba parang loka loka lang! Ewan ko ba talaga sa takbo ng utak ng isang to.

I expected her to be here, di ba sabi niya sa akin mag-uusap nga kami, wala siyang mapipiga sa akin bahala siya... I hope...


Persistent kasi talaga siya, di ka niya titigilan kahit di na kayo matulog buong gabi or for 3 days straight, di ka niya tatantanan, Imbestigador ikaw ba yan? Kinakabahan na ako... Ang hirap talaga na may sister na Abnormal... hahabaan mo talaga pasensya mo at understanding. 

Umupo na ako sa bed ko, kwarto ko kaya ito! Nagbibihis ako when finally she said...

"Shesh, chika!?"

Ito ang walang kamatayan niyang opening remark kung mag-uusap kami about secrets... 

"Wala!" inis kong sagot, could she just leave me alone... pero deep inside I don't want her to, ito yung treatment ko sa kanya, or anyone trying to penetrate the walls I built so hard...

Si Dahly lang ang hindi sumuko sa akin, even though, I'm pushing her away, kahit naiiyak at pagod, she would always crawl back and tell me she is just there... Hindi niya ako pipilitin na umiyak, she would just hug me, naging ear and shock absorber, naging trying hard na clown kaya lang mas tumatawa ako pag normal mode siya kaysa nagpapatawa, loka loka talaga... And I thank her for that, she just stayed with me, waiting...

"Sure ka wala?" nakangisi niyang tanong... bigla na lang niya hinawakan dibdib ko from the back.... "OYYYYY may boobies na si Jena, hindi na parang runway ng airplane..."

"Hoy ano ka ba!? meron yan noh! bruha talaga..."

"Don't tell me na wala coz I know meron, parang yang boobs mo na biglang nagkameron..."

Lang hiyang analogy yun, ano raw? "Wala nga sabi eh, sige na alis na chupe!" taboy ko sa kanya.

"Sus! kunwari pa to, akala mo hindi ko alam na niyayakap at kinakausap mo yang Mr. Bear na yan everynight... may pa kiss kiss ka pa..." sanabi niya yun sabay tusok tusok sa tagiliran ko. 

"Anong pa kiss kiss, sumusobra ka na ha, akap lang at talk kaya..." namumula ako na sinabi yun sa kanya, wala talaga akong naitatago sa bruhang to, pati diary ko alam ang number combination sa lock...

"Ah ganun bah, heheh sareeeee naman... pero seryoso sis.... do you want to tell me something? I'm just here.... all ears."

WAAAAAAAHHHHHH ayaw talaga sumuko, ang kulit!

"Q and A" yun lang ang tipid ko na sagot... ganito na lang kami, since ayaw ko mag story, pero ayaw niyang sumuko. 

"Do you like LJ?" tanong niya na parang wala lang habang hug si Mr. Bear.

NGE! bakit napunta agad diyan? I expect she will ask that but not this soon, wala man lang bang warm-up?

silence, silence lang ang isasagot ko.

"Napansin ko kasi these past few days so close niyo na, I see you smile often, you start to laugh, react, para bang nabuhay ka ulit... You started to break your walls at nag wide awake moment ni Katy Perry!" Sabi niya habang nakalagay sa fez niya ang isa niyang kamay...

Bruha talaga maganda na sana yung daloy ng sinasabi niya, bakit napunta kay Katy Perry?

silence pa rin ako... 

"If you like him sis, di ako magagalit, I like him for you..."

"Leche! gusto mo ang playboy na yun para sa akin?" ate lumuwag na talaga tornilyo ng utak mo.

"He is not what you think he is, he is just misunderstood sis, hindi siya playboy like what others say, he respects girls so much, to the point he can't say no at lumalabas na flirt siya... yet I don't think he is like that... actually if tama ako... he is looking for someone who would love him setting aside that prejudice, lahat kasi ng relationships niya, as what I observed, hindi seryoso, parang pinaglalaruan lang siya ng girls just for the sake of being THE GREAT LJ's girlfriend" sinasagot nila siya. 

Nganga ako sa sinabi ni Dahly, she always end up right in measuring a person... she never failed in this aspect, di nga lang niya alam yun... She is always a logical person, finding logic and rational explanation in almost everything... 

"I know sis that may part pa sa iyo na ... alam mo na... hindi ko hawak puso at isip mo... di ko rin hawak puso at isip ni LJ, but I think he likes you more than you know... takot lang siya either sa akin or either mawala kung ano man meron kayo ngayon... "

"If ever shesh, you two realized kung ano ba talaga, don't worry about me, di ako magagalit... susuportahan ko kayo. Sige na matulog ka na..." She leanded closer and gave me a peck on my cheek then lumabas na siya...

Nung ako na lang sa room... Kinuha ko si Mr Bear and hugged it... Humiga na rin ako..

Silence! my ever loyal companion and friend... Friend, ano nga ba si LJ for me?

_________________________________________________

Oh ayan, Jena's POV! Shocking naman itong si Dahly, may sense din pala kausap yun minsan.... nyahahaha!

Hope you liked this chappie... vote vote din pag may time... Happy wattpadding.. till next update! 

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now