The Overnight!

202 25 19
                                    

OH AYAN PARA SA MGA MAKULIT KONG READEARS>>> Ito na update pasensya, busy si Author heheheh..... PLease Vote and comment para maloka naman ako... Love you  guys!

_____________________________________________________________________

Haaaaaaayyyyyy! Natapos na rin... It was a tiring night... Pero I feel happy and satisfied... Even Ms. Gruba seems so happy with the outcome ng party... A once in a blue moon event for us SC officers... Hard to please kasi yung echusera na yun... 

"Congrats everyone! Nice job! Sa Monday na tayo magcecelebrate, since I know all of you are tired na. Thank you again sa lahat ng efforts niyo... Good Night!"

Yun ang post party pep talk ni Ms. Gruba, it was brief...kailangan na rin namin umalis kasi andito na ang gym cleaners.

We dispersed na, papalapit na kami nila Candy, Jena, LJ, JN at Cyrus kina Dulce, Rosie, Chenee, Oscar at ang newly declared lovers na sobrang sweet ang sarap batukan!, inggit much lang? 

"Dahly" may biglang tumawag sa akin, lumingon ako, it was Jason... I was starstrucked...he never fails to take my breath away.... Oxygen please! 

He closed the distance between us... Nagtama mga mata namin... Bakit ba di ako nagsasawa sa mukhang ito?... naging conscious ako bigla, ako una bumitiw sa eye contact namin... Char!

"I forgot to give you this kanina..." he handed me a long stemmed rose and a cute stuffed chibi Youko Kurama... Ang sweet.... magkakadiabetes na ako nito! I accepted it and hugged the toy... "Thank you" I said with the sweetest smile I could give... Biglang Lumapit siya lalo, and planted a kiss on my forehead...

I heard gasps from the background... Mga echuserang frog frog, bakit, di pwede? panira kayo ng moment!

"Goodnight my angel..." narinig kong sabi niya sabay yakap sa akin... "I think your friends are waiting... ibabalik na kita sa kanila, baka di na ako payagan lumapit ulit hehehe..." pabiro niyang sambit... HMP! Pabayaan mo sila!...he held my hands, balik ka na, you need to rest. Then slowly his hand slipped away from me... He looked back and threw a kiss sa akin.... 

Kanina antok na ako... ngayon gising na gising na ako! Parang kape lang? O kaya droga na nakakahigh si Jason... Your love is my drug by kesha lang ang peg?

"Hoy! gising na! nilalamok na kami dito oh!" Si Jena ang nagsalita...

"CHE! panira moment!" singhal ko sa kanila... "Mga froggy talaga kayo..."

"At least gwapong froggy" sabat naman ni LJ...  "NEK NEK MO!" sagot ko sa kanya

"Tara na uwi na tayo!" Aya ko sa kanila.

"Di kaya tayo uuwi sa bahay ngayon..." Say ni Jena.

"Ha? What do you mean?" naguguluhan kong tanong

"Habang nakikipaglandian ka dyan kanina, the group decided na mag overnyt kina LJ, tumawag na ako kay dad, pumayag naman siya..." Paliwanag ng sister ko sa akin in a bored expression. 

"Reallyyyy?"  Excited kong tanong .... tumango sila lahat....

"Eh ano pa ginagawa natin here? TARA LETS!"

Naglakad lang kami sa daan patungong HQ, Oo headquarters namin ang bahay nila LJ hehehhe...

Ang weird nga kasi, walang masyadong tao sa daan, halos kami lang nag-iingay... puro pa nakacostume... while naglalakad, napansin namin na medyo mataas ang heels ni Rosie kaya ayun, binuhat siya ni JN, piggy back ride na style... Namumula ang face ni Rosie, pero halatang halata na feel na feel naman niya ang moment.

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now